5 Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do'

5 Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do'

- Konti lang sa mga mag-asawa ang nagkakaroon ng prenuptial agreement at karamihan sila ay mg mayayaman

- Sa mga celebs, mayroon ding mga ikinasal na lumagda muna sa ganitong kasunduan bago sila nag "I do"

- Sila ang mga popular na mag-asawa na nagkasundong walang pakialaman sa kanilang mga pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi lahat ng mag-asawa sa Pilipinas ay pabor sa prenuptial agreement kung saan nagkakasundo ang ikakasal na hindi sila magkakaroon ng absolute community of property regime.

Ito yung default na property regime sa Pilipinas sa pagitan ng mag-asawa, iyan ay kung wala silang prenup agreement.

Nalaman ng KAMI na may ilang mag-asawang celebs na talagang nagkaroon ng prenup kaya wala silang pakialaman sa mga kita nila.

Pero depende rin naman iyon sa nakalagay na mga kondisyon sa prenup. Alamin kung sino sa mga mag-asawang celeb ang nagkaroon ng ganitong kasunduan.

Chiz Escudero at Heart Evangelista

Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do'

Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do' (Photo: philnews)

Alam ng lahat na may asawa't anak na si Chiz bago sila ikasal ni Heart. Ang panghuli naman ay isang eredera, mayaman na siya sa mamanahin niya sa mga magulang. Ayon sa GMA, nag prenup agreement daw ang dalawa. Ang bagong bahay nga daw ni Heart na tumagal nang three years ang paggawa ay nakapangalan lamang sa kanya.

Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan

Dahil marami ang nagsabi at nang-intriga noon na pera lang daw ang habol ni Gerald kay Ai-Ai, nag sign ang dalawa ng prenup agreement para ipakitang hindi totoo ang tsismis.

Ai-Ai delas Alas at Jed Salang (ex-hubby siya ni Ai-Ai)

Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do'

Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do' (Photo: gma)

Kinonfirm ni Kris Aquino sa isang episode ng Kris TV noon na nagkaroon dinng prenup agreement si Jed at Ai-Ai bago sila ikasal noon.

Vicki Belo at Hayden Kho

Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do'

Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do' (Photo; push)

Siyempre, nagprenup din si Doc Vicki at Hayden. Sobrang yaman na ni Doc Vicki at naiintriga pa si Hayden na pera lang din ang habol kay Doc. Para manahimik ang lahat, pumirma si Doc Hayden!

Sharon at Kiko

Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do'

Celeb couples na umaming pumirma ng prenup agreement bago mag 'I do' (Photo: lionheartv)

Yes, lingid sa kaalaman ng marami, may prenup agreement si Mega at si Senador. Sabi pa nga one-time ni Shawie kay Tito Boy noong 2017 ay hindi raw makakatulong si Kiko sa mga milyones na utang ni Shawie dahil sa prenup nila.

Naku, pag marami ka talagang pera, kailangang pumirma ka bago humarap sa altar!

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel