Fake nga ba? Ynez Veneracion, nagsalita na tungkol sa isyung siya ay isang retokada

Fake nga ba? Ynez Veneracion, nagsalita na tungkol sa isyung siya ay isang retokada

- Aktres na si Ynez Veneracion pinabulaanan na retokada ang mukha

- Inamin ng aktres na nagpa ayos siya sa ibang parte ng katawan

- Ayaw ng aktres sa botox

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ng aktres na si Ynez Veneracion ang paratang sa kanya na siya ay nagparetoke ng mukha. Ayon kay Ynez, ipinaayos niya ang kanyang balakang at dibdib ngunit hinding hindi niya ipinagalaw o ipinaayos ang kanyang mukha.

Ayon sa Pep.ph, inamin ni Ynez Veneracion na may ipinaayos siya na parte ng kanyang katawan. Ani niya, natural na din naman ang ganitong proseso dahil marami na rin ang gumagawa nito. Ipinaayos man niya ang kaniyang dibdib, ngunit lumipas din ang panahon na ipinatanggal niya ito dahil ito ay lumaki.

Dahil kinukulit ang aktres, idiniin niya na hindi talaga ipinasailalim sa retoke ang kanyang mukha dahil bawal. Inamin din niya na naisipan niya noon na magpa-ayos ng ilong ngunit inunahan siya ng takot.

Dagdag pa ng aktres, ang proseso sa pagpapaayos ng mukha ay magkaiba sa katawan. Nang tanungin ang aktres kung kinokonsidera niya ba ang botox dahil nahahalata na ang kulubot sa kanyang mukha, ayaw lamang naisagot nito dahil hindi niya gusto ang injection.

Si Ynez Veneracion ay sumikat bilang isang aktres noong dekada 90. Naging parte din siya ng iba’t ibang palabas sa TV. Si Ynez ay may isang anak na si Princess Keilah sa dati nitong Muslim na nobyo na isang politiko. Sa ngayon, nagsampa ng kaso si Ynez Veneracion at iba pang artista sa isang negosyante na naka base sa Brunei dahil sa scam.

Nais mo bang malaman kung paano mo magagawang maging makulay ang paglagay ng iyong eye shadow? Bakit hindi mo samahan si Monina kung paano niya gagawing makulay ang iyong simpleng eye shadow. Kung nais mong maging una pagdating sa mga bagong balita, nakakatuwa at nakakatawang istorya at bidyos, tumutok lang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Sila ang nagwagi! TNT Boys, 100% ang nakuhang suporta mula sa madlang people

Sila ang nagwagi! TNT Boys, 100% ang nakuhang suporta mula sa madlang people

Sila ang nagwagi! TNT Boys, 100% ang nakuhang suporta mula sa madlang people
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel