Gov't employee sinapak nang dalawang beses ang trike driver, mamang pulis sa gilid walang ginawa

Gov't employee sinapak nang dalawang beses ang trike driver, mamang pulis sa gilid walang ginawa

- Nakunan ng video ang pananapak ng isang mayamang government employee sa isang tricycle driver

- Dalawang beses niya itong sinapak, ngunit ang nakunan lang ng nagmamalasakit na pasahero ay ang ikalawang beses

- Ang masaklap pa sa nangyari ay may isang mamang pulis sa gilid na nanood lamang ng mga nangyayari at walang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang sobrang nadismaya sa ginawa ng isang government employee na nanapak ng isang tricycle driver sa daan.

Kuha sa video ang buong kaganapang dahil ang pasahero mismo ng tricycle driver and kumuha nito.

Makikitang tinuturu-turo pa ng gov't employee si mamang driver na hindi na nga umiimik.

May isang punto sa video na bumalik na si manong gov't employee sa sinasakyang Fortuner, pero bumaba uli para lamang masapak nang husto si mamang driver.

Ang kawawang driver ay hindi nagawang depensahan ang sarili laban sa mayabang at malupit na gov't employee.

Kahit man lang sa huling pagkakataon, walang ginawa ang duwag na mamang pulis at hinahayaan na lang na gawin iyon sa kawawang driver.

"Pasikatin natin ang lalaking Ito!

Ang lalaking nasa video Ay nanapak ng dalawang beses sa isang tricycle driver na sinasakyan namin knna..dalawang beses na sinapak niya ang driver Pero unang sapak niya ay di nmn agad nakuhanan ng video...government employer pa nmn ang lalaking Ito!..porke mayaman,nasa gobyerno ay pweding nang manakit ng kapwa??..wala namang kasalanan ang driver!!..sa mamang police nmn na nakatayo lang sa harapan ng tricycle...wala mnlang ginawa!!...nakatunganga lang Siya!!..kunti nalang tlga ngayon ang tapat sa kanilang trabaho!..takot lang cguro ng mamang police...ang video na Ito ay Dito nakuhanan sa guiuan eastern samar...

- Text and video by Ion Bion"

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel