Inang bulag, anak na may down syndrome ang nagsisilbing kanyang 'mata'

Inang bulag, anak na may down syndrome ang nagsisilbing kanyang 'mata'

- Taong 2011 nang tamaan ng Glaucoma ang kanang mata ni Elsa Badilla hanggang sa nahawa na rin ang kabila niyang mata.

- Nang tuluyan nang nawalan ng paningin, ang kanyang anak na may down syndrome ang nagsilbing mga mata niya

- Sa kabila ng kanyang sitwasyon, di siya naging pabigat sa kanyang mga anak at patuloy pa rin siya sa pag-aaruga sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong una, hindi matanggap ni Elsa Badilla ang kinahitnan ng isinawalang bahala niyang panlalabo ng mata.

Tinamaan ng glaucoma ang kanang mata ni Elsa, isang kondisyon na nakasisira ng optic nerves sa mata na nagiging dahilan para manlabo ito at tuluyang mabulag.

Kalaunan, nahawa na rin ang kaliwang mata niya hanggang sa humantong na ng ang kanyang kinakatakutan, ang mabulag.

Nalaman ng KAMI na ang 55 taong gulang na ina ay mayroon naman sanang pampagamot noon ngunit mas minabuti na lamang niya itong gastusin sa mga pangangailangan ng kanyang anak.

Inang bulag, anak na may down syndrome ang nagsisilbing kanyang 'mata'

image: ABS-CBN news

"May pera ako noong panahon na iyon, pero hindi ko naman alam kung sino ang uunahin ko -- ang sarili ko o ang mga anak ko? Siyempre, pinabayaan ko muna ang sarili ko. Mas inuna ko 'yong dalawa, kasi saan ako kukuha ng pagkain nila?" kwento ni Nanay Elsa.

Ayon pa sa ABS-CBN, ilang plato, baso na raw ang nabasang ni Nanay Elsa sa kagustuhan pa rin niyang kumilos at gawin ang mga dati niyang gawain bilang nanay para pa rin sa kanyang mga anak.

Sa loob ng pitong taon, nasanay na rin si Nanay Elsa sa kanyang sitwasyon at ang kanyang anak na si Sarah ang nagsilbing mga mata niya.

Ipinanganak niya si Sarah noong 2004 at hiwalay na rin siya sa kanyang asawa noon.

Lampas 40 anyos na siya nang isinilang niya ang kanyang bunsong si Sarah na mayroon down syndrome.

"Naantig ako noong unang beses ko siyang makita. Talagang masaya! Ewan ko, hindi ko maipaliwanag," ani Elsa.

Unang tingin ni Elsa noon, perpekto ang anak niya ngunit napansin naman agad ng midwife na kakaiba si Sarah at suspetsa niya aga na may DS ito o Down syndrome.

Inamin ni Nanay Elsa na hindi niya naintindihan ang sinabi na iyon ng midwife na kondisyon raw ng kanyang anak.

Ngunit si na alintana kay Nanay Elsa kung anuman iyon. ang mahalaga sa kanya, nasilayan niya na na tila para raw isang anghel sa kanyang paningin.

Inang bulag, anak na may down syndrome ang nagsisilbing kanyang 'mata'

image: ABS-CBN news

"Ang sabi nila, special child daw. Pero okay lang sa akin kahit special child siya. Masaya ako, kahit ano pa man siya, kasi anak ko siya e," ang sabi ng ina ni Sarah.

Napansin ni Nanay Elsa na sabila ng kondisyon ng anak, kinakitaan niya agad ito ng pagkahilig sa pagsusulat at pagguhit.

"Napansin kong mahilig siyang magsulat-sulat, mag-aral. Hanggang sa nag-decide siyang gusto niyang mag-aral,” sabi ni Elsa.

Mula nang nagdesisyon siya pag-aralin niya Sarah, hinahatid sundo niya kahit pa siya'y bulag na nang panahon na iyon.

"Kung hindi ko lalakasan ang loob ko, paano ang mga anak ko? Paano na lang ang buhay nila lalo na itong bunso ko?" paliwanag ni Nanay Elsa.

Narito ang video ng mag-ina na nakuha ng KAMI sa youtube ng ABS-CBN.

Samantala, ang panganay ni Nanay Elsa na si Jan-jan ang naghahanapbuhay para sa pamilya.

Nagtatrabaho so Janjan bilang construction worker sa umuga at pedicab driver naman sa gabi.

At si Sarah naman ang umaakay sa kanyang Nanay Elsa at nagsisilbing mga mata nito.

"Si Sarah ang mata ko kasi inaakay niya ako. Imbes na ako ang umaakay sa kanya, siya ang umaakay sa akin. Hindi naman ako makaalis nang walang umaakay sa akin," ani Elsa.

Pareho man silang may kapansanan, di nila iniiwan ang isa't isa, kapit kamay silang sinusuong ang mga tawiran at hagdan at maging sa pakikipagpatintero sa mga sasakyan.

Do you think you will be able to name all of these individuals on the bill? 1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Foreigner actress sa Pinas, binahagi ang 'pang-gugulang' di umano sa kanya ng isang taxi driver

Foreigner actress sa Pinas, binahagi ang 'pang-gugulang' di umano sa kanya ng isang taxi driver

Foreigner actress sa Pinas, binahagi ang 'pang-gugulang' di umano sa kanya ng isang taxi driver
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel