Nakaka-inspire si 'Sir'! Dating Sekyu, naging cumlaude, nakapasa sa LET, ngayon, guro na sa dating binabantayan niyang eskwelahan

Nakaka-inspire si 'Sir'! Dating Sekyu, naging cumlaude, nakapasa sa LET, ngayon, guro na sa dating binabantayan niyang eskwelahan

- Ang dating security guard na si Erwin Macua ay isa na ngayong ganap na guro

- Dating sekyu ng St. Theresa's College, ngayon, guro na siya dito

- Sasailalim si Erwin sa training upang maging ganap na siyang elementary teacher sa nasabing paaralan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang napukaw ang ating damdamin ng kwento ni Erwin Macua, isang security guard na nag-aral ng kolehiyo, nakapagtapos bilang cumlaude at nakapasa sa Licensure Exam for teachers.

Nalaman ng KAMI na sa papasok na School year, magtuturo na siya sa St. Theresa's College, ang eskwelahan na dati niyang binabantayan bilang security guard.

Ayon sa sunstar, napagdesisyunan daw ng administrasyon ng STC na kunin parin ang serbisyo ni Erwin ngunit ngayon ay bilang isang guro na ng kanilang paaralan.

“Kulbaan ko labi na sa STC ko mag-teach. Kinahanglan kog dako-dako nga preparation on how to deal with the students whose parents already know me. What if they would say ‘Hala si Kuya Guard man ni, mao na magtudlo sa akong anak’ so I’m pressured,” ani Erwin na napi-pressure at kinakabahan dahil baka kung ano raw ang msabi ng mga magulang nga kanyang tuturuan lalo pa at mas kilala pa rin siya na isang guwardiya sa kanilang paaralan.

Narito ang video tungkol sa pagtatapos ni Erwin na nakuha ng KAMI mula sa Youtube.

Ngunit sa kabila ng kaunting takot na nararamdaman, ramdam naman ni Sir Erwin ang suporta ng mga guro, ibang magulang at estudyante na nagsasabing tutulong din sa kanya.

“They told me that they would help me every step of the way, especially because it’s already the age of computers so I’m slowly learning how to use it and the internet, like in making Power Point presentations,” kwento ni Erwin.

Bilang isang ama at security guard ng STC naisip din ni Erwin na isa rin naman itong kalamangan dahil na rin sa kanyang mga karanasan dito.

“I will make personal adjustments because I’ll be dealing with kids and then as a father, I have an advantage because I have a two-year-old daughter. I’ll need patience and more cooperative discussions because children are so active. You need to catch their attention,” dagdag pa niya.

Sa katunayan, binigyan na siya ng mga magiging kapwa niya guro sa STC ng mga halimbawa ng Lesson Plan na maari niyang gamitin bilang paghahanda sa papasok na school year.

Sa susunod na buwan ay sasailalim muna si Sir Erwin sa mga training para lubos na paghandaan ang kanyang unang taon ng pagtuturo bilang elementary grade teacher.

Pinagdarasal na lamang ni Erwin na sana ay magsilbi pa ring inspirasyon ang kanyang buhay sa mga estudyante ng STC at pati na rin sa iba na huwag basta susukuan ang pangarap dahil maari naman itong magkatotoo.

Minsan nang nag-viral ang kwento ni Erwin dahil napagsabay niya noon ang pagiging security guard at pag-aaral niya ng kursong educationhabang ang mga anak rin niya ay kanyang pinapa-aral.

Nakapagtapos siya bilang cumlaude noong nakaraang taon at nakapasa ng Licensure exam kaya naman mas marami ang humanga sa kanya.

Dalawampung taon din siyang nagtrabaho bilang isang security guard ng nasabing institusyon.

From a slow learner, now a university instructor. Success always starts with failure on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel