Tito Sotto, sa reaksyon umano ni Joey De Leon: "Mga apat na beses na umiiyak"
- Naibahagi ni Senator Tito Sotto ang mga kaganapan matapos ang pamamaalam nila sa TAPE Inc. noong Mayo 31
- Isa na rito ang umaapaw na emosyon ng mga Eat Bulaga hosts dahil sa mga nababasa nilang suporta mula sa kanilang mga fans
- Lalo na si Joey De Leon na makailang beses umanong umiyak habang kausap ni 'Tito Sen' sa telepono
- Marami ngayon ang nakaabang sa susunod na hakbangin ng TAPE Inc. na tila papalitan lamang ng hosts ang Eat Bulaga base sa kanilang opisyal na pahayag
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naidetalye ni dating Senator Tito Sotto ang mga kaganapan sa pamamaalam nila sa TAPE Inc.
Nalaman ng KAMI na isa umano sa labis na naging emosyonal ay si Joey De Leon.
"Si pareng Joey, mga tatlo- apat na beses na umiiyak e kausap ko sa telepono."
Bumuhos ang emosyon sa pamamaalam nilang ito at labis din ang pasasalamat nila sa suportang natatanggap mula sa 'Dabrkads'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Isa ho sa nangyari dun ay medyo nagkaiyakan. Kaninang umaga hanggang kagabi, pagka-nag-uusap kami at nababasa yung mga sinusulat ng ating mga kababayan, talagang naaantig 'yung damdamin namin, natutuwa kami."
Samantala, isang araw matapos ang hindi na pagsasa-ere ng LIVE ng Eat Bulaga, naglabas na ng opisyal na pahayag ang TAPE Inc.
Isa sa mga nasabi ng naturang kompanya ay ang tila pagpapalit lamang nila ng mga host subalit tuloy pa rin ang programang Eat Bulaga.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Tito Sotto sa panayam sa kanya nina Tintin at julius Babao ng News5:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh