Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

- Marami ang bumilib sa isang tindero ng ice candy na mayroong British accent

- Ito ang kanyang paraan upang madaling mabenta ang kanyang panindang ice candy

- Maging ang kanyang customer ay napapa-Ingles na rin sa kanya

- Dahil dito, marami ang nagnanais na sana'y mabigyan ito ng pagkakataong makapangibang bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umani ng papuri ang ice candy vendor na si Jerson Villamor na mayroong British accent sa paglalako sa Maasin City, Southern Leyte.

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami
Jerson Villamor (Glynis Mark)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang video na kuha ni Glynis Mark dahil sa kakaibang papanalita at paglalako ni Jerson na animo'y isang karakter sa Harry Potter.

Kahanga-hanga ang diskarte na ito ni Jerson na talaga namang agaw-eksena sa kanyang mga customer.

Aniya, Php5 lamang ang mango and cheese flavor na ice candy. Subalit tila mano-nosebleed muna ang bibili sa husay niya sa pagsasalita ng English.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jorhomy sa ika-40 days nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, marami rin ang humiling na sana'y malayo pa ang marating ni Jerson na sa kabila ng hirap ng buhay, nagagawa pa rin niya itong pagaanin sa pamamagitan ng kanyang kakaibang istilo sa paglalako.

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"E ako nga, di makabuo ng isang diretsong sentence nang walang binabasa e. Ang husay mo kuya!"
"Pano ako bibili sayo! ang galing mo mag-English"
"Isipin mo, cast siya ng Harry Potter! Ang saya"
"Sigurado marami ang bumibili sa kanya."
"Sana one day maka-travel ka kuha para mas mahasa pa ang English speaking skills mo"
"Go kuya! tama yan. Maski ako hirap sa British accent pero sa'yo ang smooth"
"Nakaktuwa naman ito. Sana one time ma-meet ko siya at magkwentuhan kami habang ganyan siya magsalita"

Read also

Post ni Zeinab Harake na tila ipinakikita ang suot na singsing, inulan ng "congratulations!"

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi rin ng North Central Luzon News Media

Noong nakaraang taon ay hinangaan din ng marami ang isang delivery rider na nagagawa pa ring dumalo ng kanyang online classes habang rumaraket sa pagtatrabaho. Gayundin ang isang working student sa isang fast food chain na ginugugol ang kanyang breaktime sa pagdalo ng kanyang online classes.

Ilan lamang ito sa mga nakamamanghang kwento ng mga Pilipino na nagsisilbing inspirasyon para sa nakararami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica