Post ni Zeinab Harake na tila ipinakikita ang suot na singsing, inulan ng "congratulations!"

Post ni Zeinab Harake na tila ipinakikita ang suot na singsing, inulan ng "congratulations!"

- Mabilis na nag-viral ang bagong post ni Zeinab Harake kung saan tila ipinakikita nito ang suot na singsing

- Agaw-pansin ito lalo na at itinakip pa niya ang kamay na may singsing sa kanyang mukha

- Sa kanyang comment section naglagay siya ng 'it's a yes'

- Dahil dito, marami ang nagsabi ng 'congratulations' sa kanya kahit wala pang ibang detalye ang naturang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena sa social media ang pinakabagong post ni Zeinab Harake na animo'y ipinakikita niya ang suot na singsing.

Post ni Zeinab Harake na tila ipinakikita ang suot na singsing, inulan ng "congratulations!"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa loob lang na mahigit sampung minuto mula nang ito'y mai-post, nasa 22,000 na agad ang reactions na natanggap nito.

Makikitang tila itinakip pa ni Zienab sa kanyang mukha ang kamay kung saan naroon ang kanyang singsing.

Read also

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

Sa comment section, ang tanging ibinigay niyang detalye ay ang mga katagang 'It's a yes.'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, inulan na agad ng 'Congratulations' ang post na ito ni Zeinab.

Matatandaang kamakailan, na-tsismis ang ex-partner nitong si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee na engaged na 'di umano sa bago nitong kasintahang si Ava Mendez.

Hindi nagtagal, pinabulaanan ni Ava na engaged na sila ni Skusta dahil lamang sa nag-viral na video nila sa TikTok na inakala ng maraming mula sa pagkakaluhod si Skusta na animo'y nagpropose na kay Ava.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Read also

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Ilan dito ay ang hiwalayan nila ng dating partner at ama ng anak niyang si Bia na si Skusta Clee. Halos kasabay din nito ang pagsasapubliko ni Zeinab ng pagkawala ng kanya sanang ikalawang baby na napangalanan pa niyang si 'Moon.'

Naroon ding balutin ng intriga ang kanyang buhay dahil sa rebelasyon 'di umano sa kanya ng kapwa vlogger na si Wilbert Tolentino.

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niyang ito, ay makikitang maayos pa ring natapos ang taong 2022 para kay Zeinab. Bukod sa patuloy na pagkakaroon ng blessings tulad ng bagong bahay at sasakyan, nadagdagan ang malalapit na kaibigan sa katauhan ni Ivana Alawi na nakasama muli niya sa kanyang mga vlog bilang kanya umanong twin sister.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel