Vanessa Raval, inaming marami ang kinaharap dahil sa pag-name drop

Vanessa Raval, inaming marami ang kinaharap dahil sa pag-name drop

- Inalmahan ni Vanessa Raval ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post

- Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya

- Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan

- Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Vanessa Raval ang mga nambabatikos sa kanya dahil pinili niyang huwag nang mag-name drop kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post. Aniya, nagka-kaso siya dahil sa pagne-name drop at marami siyang kinaharap.

Vanessa Raval, inaming marami ang kinaharap dahil sa pag-name drop
Vanessa Raval, inaming marami ang kinaharap dahil sa pag-name drop (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, nabanggit ni Vanessa ang tungkol sa kinaharap niya matapos niyang ipagtanggol ang kapwa niya BBM supporter at may tinira umano siyang isang babae. Dahil umano dito ay nagkakaso siya.

Read also

Kim Chiu, nagbayad ng mahigit P100K sa pagkain nila sa Hong Kong

Kung naaalala nyo May isang babae na tinira ko sa social media, after ko ipag tanggol Ang mga kapatid nating BBM ay nanahimik ako. Madami akong kinaharap. Nagka Kaso ako dahil sa putragis na name drop na yan. May tumulong ba sakin? Tinulungan nyo ba ako? Pag ba na kulong ako ngayon matutulungan nyo ako? Hindi ko alam bakit karamihan sa mga Tao ngayon Sobrang kitid. Pag May babae na Kumabit Sobrang galit nyo, ngayon naman ako itong ayaw sa mga cheater,at maging k*bit galit parin kayo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vanessa Raval ay isa sa mga anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kahit hindi pa siya tuluyang pumapasok sa mundo ng showbiz, sumikat siya sa pagiging isang content creator at TikToker at mayroon na ring daang libong followers sa kanyang ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Read also

Kaori Oinuma, sinama ang mga kapatid para sorpresahin ang kanilang nanay sa Japan

Binahagi ni Vanessa ang naging pag-uusap nila ng hindi niya pinangalanang rapper. Makikita sa binahaging screenshots ni Vanessa na niyaya siya nito na makipagkita sa kanya. Gayunpaman, nilinaw ni Vanessa na may boyfriend siya at aniya ay hindi maganda na makipagkita siya dito. Matatandaang naging usap-usapan ang post ni Vanessa kaugnay sa isang rapper na hindi umano siya tinatantanan nito sa chat.

Nagsalita na si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel