PWD na nagdiriwang pala ng kaarawan, naluha nang isurpresa ng mga service crew

PWD na nagdiriwang pala ng kaarawan, naluha nang isurpresa ng mga service crew

- Naiyak ang isang customer nang biglang isurpresa siya siya ng mga service crew sa kinainang fast food

- Wala pa umano ang order sana ng customer ngunit pumili ito ng ibang pagkain

- Nang ibigay nito ang PWD card niya sa kahera, doon nila nakitang kaarawan pala nito

- Naluha ang customer na papunta pala sa ospital para magpa-insulin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng mga netizens ang viral video kung saan naluha ang isang customer sa naisipang gawin sa kanya ng ilang service crew.

PWD na nagdiriwang pala ng kaarawan, naluha nang isurpresa ng mga service crew
Photo from uploader; Cristine Sumayang Bustillo
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kaarawan pala ng naturang customer na kumain sa isang fast food chain sa Cebu City.

Ayon sa News5, wala pa umano ang pagkaing nais nitong kainina ngunit nag-order na lamang ito ng iba.

Nang ibigay ng customer ang kanyang PWD card, doon napag-alaman ng service crew na kaarawan pala nito.

Read also

Andi Eigenmann, inalmahan ang mga Siargao tourists na nag-iwan ng basura

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman naisipan nila itong isurpresa lalo na at kumakain lamang ito na mag-isa sa espesyal na araw niya.

Makikita sa video na talagang naluha ang customer habang kinakantahan siya ng 'Happy Birthday' song ng ilang crew na may dala pang pancakes na may birthday candle at lobo.

Kwento pa ng uploader at branch head ng fast food na si Cristine Sumayang Bustillo, papunta pala ang customer sa ospital ng araw na iyon upang magpa-insulin.

Kamakailan, dinagsa naman ng orders ang fast food chain na Tropical Hut matapos na mag-viral ang post ng isasa mga naging customer nila sa Escolta.

Matatandaang isa kasi ito sa tanyag na fast food chain noong Dekada '80s at '90s na patok na patok sa panlasang Pinoy.

Kaya naman isa rin sa rason ng muling pagtangkilik sa fast food na ito ay ang mga alaalang dala nito sa kabataan ng ilan.

Read also

Beauty Gonzalez, makulit na kinuwento ang pagpapasuot ng dog shirt sa anak

Samantala, agad namang pinasalamatan ng Tropical Hut si John Paul Tanyag (@dumidyeypee) gayung dahil sa kanyang viral Tweet, marami ang naintriga, na-engganyo at muling nagbalik at tumangkilik sa Fast food chain na minahal ng maraming Pilipino.

Matapos ito, sinabing biglang nag-hiring ang naturang fast food na nangailangan ng mga service crew at staff dahil umano sa pagdagsa at pagdami ng kanilang customers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica