Andi Eigenmann, inalmahan ang mga Siargao tourists na nag-iwan ng basura

Andi Eigenmann, inalmahan ang mga Siargao tourists na nag-iwan ng basura

- Umalma si Andi Eigenmann sa ilang turista sa Siargao na nag-iwan lang ng kanilang basura

- Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Andi ang picture ng basura at ang mensahe niya sa mga turistang nag-inuman umano sa beach

- Nabanggit din niya na baka inaasahan ng mga turistang ito na ang kanilang 'sea patrol kids' pa ang mamumulot ng basurang iniwan nila

- Kilala si Andi bilang isa sa mga personalidad na sumusulong sa pangangalaga sa kalikasan lalo na ang karagatan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinuna ni Andi Eigenmann ang ilang turista na nag-inuman sa beach sa Siargao matapos umano nilang iwan ang kanilang kalat. Pinagsabihan niya ito na ay huwag sila mag-iwan ng basura.

Andi Eigenmann, inalmahan ang mga Siargao tourists na nag-iwan ng basura
Andi Eigenmann, inalmahan ang mga Siargao tourists na nag-iwan ng basura (@andieigengirl)
Source: Instagram

Nabanggit din niya na baka inaasahan ng mga turistang ito na ang kanilang 'sea patrol kids' pa ang mamumulot ng basurang iniwan nila.

Read also

Biko business ng mga anak ni Gelli de Belen at Ariel Rivera, tagumpay sa Canada

Sa kanyang IG story kung saan kalakip ang picture ng basurang iniwan ng mga turista hindi napigilan ni Andi na maglabas ng saloobin.

“The least you could do is be mindful enough to take your leftover alak and kalat with you after you enjoy fun night of inuman at the beach”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"or did you expect our Sea Patrol kids to be the [ones] to pick up after your trash?”

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Kapatid ni Maggie Wilson, sinabing "drained" na siya sa mga nangyayari

Pinakita ni Andi sa kanyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa kanyang murang edad ay may malasakit ito sa kapaligiran.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel