Biko business ng mga anak ni Gelli de Belen at Ariel Rivera, tagumpay sa Canada

Biko business ng mga anak ni Gelli de Belen at Ariel Rivera, tagumpay sa Canada

- Kinausap ni Gelli de Belen sa kanyang YouTube vlog ang kanyang mga anak na sina Joaquin and Julio

- Pinag-usapan nila ang tagumpay sa Canada ng biko business ng dalawang anak ni Gelli

- Sinabi ni Joaquin na nakuha nila ang biko recipe mula sa kanilang lolo Ben

- Masaya rin daw sila sa pagpapatakbo ng kanilang business lalo na’t recipe ng kanilang lolo ang kinagigiliwan ng kanilang customers

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sobrang proud siguro ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera sa kanilang mga anak na sina Joaquin and Julio.

Gelli de Belen
Biko business ng mga anak ni Gelli de Belen at Ariel Rivera, tagumpay sa Canada (@gellidebelen)
Source: Instagram

Ito ay dahil tagumpay sa Canada ang biko business ng mga anak ng celebrity couple.

Ayon sa magkapatid, nakuha nila ang biko recipe mula sa kanilang lolo Ben.

"We got the recipe from our Lolo Ben. This is his recipe that we've been using to sell our biko,” sinabi ni Joaquin sa YouTube vlog ng kanyang ina.

Read also

Andi Eigenmann, inalmahan ang mga Siargao tourists na nag-iwan ng basura

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag naman ni Julio, masaya raw sila sa pagpapatakbo ng kanilang business lalo na’t recipe ng kanilang lolo ang kinagigiliwan ng kanilang customers.
"I enjoy it. Parang it makes me feel proud that people like this 'cause this is lolo's recipe,” paliwanag ni Julio.

Si Anna Gianelli Yap de Belen-Rivera, o mas kilala bilang si Gelli de Belen ay isa sa mga kilalang aktres at TV host sa bansa. Siya ang nakababatang kapatid ng isa pang mahusay na aktres na si Janice de Belen. Taong 1997 nang ikasal siya sa sikat na aktor at OPM singer na si Ariel Rivera.

Matatandaang sa naunang ulat ng KAMI, napakanta ni Gelli ang mister niyang si Ariel Rivera bilang bahagi ng dare sa kanya ni Aiko Melendez. Sa vlog ni Aiko, naglaro sila nina Gelli at Carmina Villarroel na game na game sa bawat dare na ipinagawa sa kanila. Kitang-kita pa rin ang sweetness ni Ariel sa asawang si Gelli na kahit nasa trabaho ay napagbigyan ang simpleng hiling ng misis.

Read also

Kapatid ni Maggie Wilson, sinabing "drained" na siya sa mga nangyayari

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang naibahagi ng kapatid ni Gelli na si Janice de Belen. Pinagbigyan umano niya ang hiling sa kanya na makausap ng babaeng naging third party sa pagsasama nila ng dating asawang si John Estrada. Sa podcast nila kasama sina Gelli, Carmina Villarroel at Candy Pangilinan, naibahagi niya ang naging paghaharap nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel