Beauty Gonzalez, makulit na kinuwento ang pagpapasuot ng dog shirt sa anak

Beauty Gonzalez, makulit na kinuwento ang pagpapasuot ng dog shirt sa anak

- Naikwento ni Beauty Gonzalez kay Toni Gonzaga ang pagpapasuot nito ng dog shirt sa kanyang anak na si Olivia

- Hindi naman daw talaga ito gusto ni Beauty ngunit dala lamang ng sitwasyon na hinarap nila

- Hanggang ngayon, nakatago pa umano sa kanila ang nasabing dog shirt

- Balak ni Beauty na ipakita ito kay Olivia balang araw, bilang alaala na masasayang tagpo tuwing nagta-travel silang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makulit na ibinahagi ni Beauty Gonzalez ang tungkol sa minsang pagpapasuot niya ng dog shirt sa kanyang anak.

Beauty Gonzalez, makulit na kinuwento ang pagpapasuot ng dog shirt sa anak
Beauty with daughter Olivia (@beauty_gonzalez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kay Beauty ni Toni Gonzaga, naikwento ng aktres ang tungkol sa madalas nilang pag-travel mag-anak kahit baby pa ang anak niyang si Olivia.

Sa isa sa kanilang biyahe, naubusan na siya ng damit ni Olivia dahil sa madalas umano nitong pagsuka.

Read also

Beauty Gonzalez, naiyak nang mapag-usapan ang mister na si Norman Crisologo

At dahil connecting flight naman ang kanilang biyahe, inisip niyang bilhan na lamang ng damit ang anak nang makarating sila sa Hong Kong.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kasamaang palad, wala umano silang makita na baby clothes ngunit nakakita naman siya ng dog shirt.

"Hindi naman siya kasya sa malaking t-shirt. I saw a dog shirt. I said, 'give me scissors'. 'Di ba yung dog shirt may sleeves sa arms nila, Ginupitan ko 'yung arms so naging razorback 'yung likod, tapos may sando na siya... May damit na siya," masayang pagbabahagi ng madiskarteng mommy na si Beauty.

"I still keep the shirt now. Nandoon pa rin sa box niya. And I'm gonna show it to her 'pag dalaga na siya... 'O nakasuot ka ng dog shirt," dagdag pa ni Beauty.

Read also

Aiko Melendez, napa 'oh my God!' sa umano'y takbo ng relasyon ng LizQuen ayon kay Jovi Vargas

Narito ang kabuuan ng masaya nilang kwentuhan ni Toni sa YouTube channel nitong Toni Gonzaga Studio:

Si Beauty Gonzales ay isang Spanish-Filipino actress sa bansa. Una siyang napasabak sa telebisyon nang mapabilang siya sa Pinoy Big Brother Teen edition noong 2008 kung saan hinirang siya bilang 4th Big Placer. Mula noon, pinasok na rin ni Beauty ang showbiz. Mas nakilala si Beauty sa pagganap niya bilang si Romina Andrada-Mondragon sa 'Kadenang Ginto'

Taong 2016 naman nang ipanganak niya ang unica hija nila ni Norman na si Olivia. Sumunod na taon, nagkasal na rin sina Beauty at Norman sa Tagaytay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel