Tropical Hut, biglang hiring sa empleyado dahil sa pagdagsa ng mga orders

Tropical Hut, biglang hiring sa empleyado dahil sa pagdagsa ng mga orders

- Dinagsa ng orders ang Tropical Hut matapos na mag-viral ang post ng isang customer ukol dito

- Sinasabing ito ay dahil sa viral post ng isa nilang customer sa Escolta na muling bumuhay sa sikat na fast food chain

- Hiring din ang ilang branch nila dahil sa biglaang pagdami ng orders na hindi na kinaya ng bilang ng kanilang mga empleyado

- Maging ang mga delivery riders ay makikitang naipon sa loob ng branch habang hinihintay ang kanilang pa-order

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dinumog ng customers ang Tropical Hut Humburgers matapos na mag-viral ang tweet ng isang customer nila sa Escolta Branch.

Tropical Hut, biglang hiring sa empleyado dahil sa pagdagsa ng mga orders
Tropical Hut (@tammydavid)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na umabot pa sa puntong hiring sila ng empleyado gayung dinagsa talaga sila ng orders kamakailan.

Ayon sa Yahoo News PH, Urgent Hiring ang ilang branches at ibinahagi rin ang ilang qualitfications para makapag-apply.

Read also

Danica Sotto, isinapubliko ang pagbubuntis niya sa baby no. 3 nila ni Marc Pingris

Ilang post din ang nagpapakitang halos maipon ang mga delivery riders sa loob ng isang branch habang hinihintay ang mga pa-order sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Huma-hataw ang Tropical Hut! Thanks for all your orders, laban nostalgia! A bit of patience lang, your riders will ensure that all your classic faves will get to you," pahayag ng Grab na ni-repost ang mga larawan ng isang netizen na nagpapakita ng dami ng kanilang riders sa Tropical Hut.

Sa dami ng orders sa delivery apps, unti-unti nang hindi tumanggap pansamantala ng dine-in customers ang Tropical Hut ayon sa Tweet ng netizen na si Tammy Cruz.

Dahil umano sa tweet ni John Paul Tanyag (@dumidyeypee), sunod-sunod na ang naging positibong tweet tungkol sa Tropical Hut.

Isa kasi ito sa tanyag na fast food chain noong Dekada '80s at '90s na patok na patok sa panlasang Pinoy.

Read also

Winwyn Marquez, binahagi ang epic fail niyang water challenge

Kaya naman isa rin sa rason ng muling pagtangkilik sa fast food na ito ay ang mga alaalang dala nito sa kabataan ng ilan.

Samantala, agad namang pinasalamatan ng Tropical Hut si Tanyag (@dumidyeypee) gayung dahil sa kanyang viral Tweet, marami ang naintriga, na-engganyo at muling nagbalik at tumangkilik sa Fast food chain na minahal ng maraming Pilipino.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica