Danica Sotto, isinapubliko ang pagbubuntis niya sa baby no. 3 nila ni Marc Pingris

Danica Sotto, isinapubliko ang pagbubuntis niya sa baby no. 3 nila ni Marc Pingris

- Binahagi ni Danica Sotto ang tungkol sa magandang blessing na natanggap ng kanilang pamilya

- Sa isang Instagram post ay pinakita niya ang maiksing video na nagpapakita ng sonogram ng kanyang pinagbubuntis na kanilang baby no. 3

- Marami sa mga kapwa niya artista ang bumati sa celebrity mom na itinuturing na answered prayer ang kanyang pagbubuntis

- Binahagi naman ni Marc Pingris ang tungkol sa balitang ito sa pamamagitan ng kanyang post kung saan binati niya ang sarili ng "Happy Father's Day"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Danica Sotto, answered prayer ang kanyang pagbubuntis sa kanilang ikatatlong anak ni Marc Pingris. Sa isang post ay ibinahagi ni Danica ang tungkol dito.

Danica Sotto, isinapubliko ang tungkol sa pagbubuntis niya sa kanilang baby no. 3
Danica Sotto, isinapubliko ang tungkol sa pagbubuntis niya sa kanilang baby no. 3 (@danicaspingris)
Source: Instagram

Binahagi naman ni Marc Pingris ang tungkol sa balitang ito sa pamamagitan ng kanyang post kung saan binati niya ang sarili ng "Happy Father's Day". Sa kanyang post ay pinakita niya ang picture ng sonogram.

Happy father's day to me!!! thank you Lord for another blessing! sa lahat ng mga daddy happy father's day po sa inyo! #3 #pinoysakuragi #myqueen

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami sa mga kapwa niya artista ni Danica at mga kasamahan ni Marc na basketbolista ang bumati sa kanila sa itinuturing nilang answered prayer.

Si Danica Sotto-Pingris ay panganay na anak ng dating mag-asawang sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Kapatid siya ni Oyo Boy Sotto. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Fantastic Man (2003), Uno (2005) at Mama Said, Papa Said I Love You (1985). Ikinasal siya sa basketbolistang si Marc Pingris noong March 3, 2007. Kamakailan nga ay humingi ng dispensa si marc sa mga pagkukulang niya sa asawa niya.

Kamakailan ay binati ni Danica ang kanyang ina na si Dina Bonnevie at asawa nitong si DV Savellano. Ito ay sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-10 taon bilang mag-asawa. Maging ang mister ni Danica na si Marc Pingris ay nag-react sa post ni Dina.

Kinaaliwan din ang pag-post ni Danica ng video kung saan napagtripan niya ang kanyang mister. Lingid sa kaalaman ng kanyang asawa ay ginamitan niya ito ng sad filter habang kumukuha ng video. Tinanong niya si Marc kung bakit umano ito malungkot.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel