Lotlot de Leon, pinasalamatan si Christopher de Leon sa kanyang Father's Day message

Lotlot de Leon, pinasalamatan si Christopher de Leon sa kanyang Father's Day message

- Binati ni Lotlot de Leon ang kanyang daddy na si Christopher de Leon para sa Father's Day

- Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan niya ang kanyang daddy sa aniya'y tiwala nito sa kanya at sa kanyang pagmamahal para sa kanilang pamilya

- Pinasalamatan niya rin ito sa pakikinig umano sa kanya nang walang kahit anong panghuhusga

- Pinusuan naman ng kasalukuyang asawa ni Christopher na si Sandy Andulong ang Father's Day message ni Lotlot

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang pagbati ang binahagi ni Lotlot de Leon para sa pagdiriwang ng Father's Day. Binati at pinasalamatan niya ang kanyang daddy sa aniya'y tiwala nito sa kanya at sa kanyang pagmamahal para sa kanilang pamilya at sa pakikinig umano nito sa kanya nang walang panghuhusga.

Lotlot de Leon, pinasalamatan si Christopher de Leon sa kanyang Father's Day message
Lotlot de Leon, pinasalamatan si Christopher de Leon sa kanyang Father's Day message (@ms.lotlotdeleon)
Source: Instagram

Kahit hindi si Christopher ang kanyang biological father ay malapit ito sa aktor at hindi kinakaligtaang batiin sa mga mahahalagang okasyon.

Read also

Winwyn Marquez, binati ang kanyang boyfriend sa unang Father's Day nito

Thank you for believing in me , for never doubting me and my love for the family… Thank you for standing by me , through good times and challenging times. Thank you for listening and hearing me out without judgement.. 
 You are a blessing to me, Dad!  You are a blessing to all of us.. God bless you always, always, always..  

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Happy Father’s Day!  

Kalakip ng kanyang mensahe ay ang lumang litrato nilang mag-ama.

Si Lotlot de Leon o Charlotte Jennifer de Leon-El Soury sa totoong buhay ay sumikat nang maging bahagi ng That's Entertainment, kung saan naipareha siya kay Ramon "Monching" Christopher. Pumatok ang tambalan nila noong dekada 80. Ilan sa mga pelikula kung saan naitambal sila ay Bunsong Kerubin (1987), Love Boat: Mahal Trip Kita (1988), Love Letters (1988), Here Comes the Bride (1989), Mga Kuwento ng Pag-big (1989) Hotdog (1990) at marami pang iba. Ikinasal siya kay Monching Gutierrez noong March 27, 1989 at nagkahiwalay sila noong 2010. Muling ikinasal si Lotlot kay Fadi El Soury noong December 17, 2018.

Read also

Skusta Clee Management, pinabulaanang nag-walkout si Skusta sa Alon Music Festival

Samantala, ang anak ni Lotlot na si Janine Guttierez ay naging usap-usapan kamakailan kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ng boyfriend nitong si Rayver Cruz. Para naman kay Lotlot ay hindi niya i-pe-pressure ang anak niya na magpakasal.

Kamakailan ay masayang ibinahagi ni Matet de Leon ang picture nilang magkakapatid kasama ang kanilang inang si Nora Aunor. Ani Matet, kasama nila ang kanilang "Queen" sa pagdiriwang ng Mother's Day. Kasama din ang kapatid niyang si Ian de Leon sa naturang picture na kanyang binahagi. Marami sa mga tagasuporta ni Ate Guy ang natuwa na makita silang magkakasamang mag-iina matapos ang naging tampuhan nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel