Skusta Clee Management, pinabulaanang nag-walkout si Skusta sa Alon Music Festival

Skusta Clee Management, pinabulaanang nag-walkout si Skusta sa Alon Music Festival

- Binahagi ni Skusta Clee ang nilabas na pahayag ng Skusta Clee Management kaugnay sa balitang nag-walkout umano ang singer-songwriter

- Nilinaw nilang nakaranas ng acid reflux & heart burn si Skusta Clee ngunit bumalik din ito kaagad nang umayos ang kanyang pakiramdam

- Inalmahan ng management niya ang mga nilabas na balita tungkol dito nang hindi man lang umano kinukuha ang kanilang panig

- Pinasalamatan naman nila ang mga taong tuloy pa rin ang pagsuporta kay Skusta Clee sa gitna ng pinagdadaanan nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa Skusta Clee Management, nakaranas ng acid reflux & heart burn si Skusta Clee ngunit bumalik din ito kaagad nang umayos ang kanyang pakiramdam. Wala umanong katotohanan ang balitang nag-walkout siya sa isang event kung saan siya nag-perform.

Skusta Clee Management, pinabulaanang nag-walkout si Skusta sa Alon Music Festival
Skusta Clee Management, pinabulaanang nag-walkout si Skusta sa Alon Music Festival (@extraordinaryl)
Source: Instagram

Inalmahan ng management niya ang mga nilabas na balita tungkol dito nang hindi man lang umano kinukuha ang kanilang panig.

Read also

Kris Aquino, nagre-respond sa mga treatment na isinasagawa sa kanya ayon kay Ogie D

It is disappointing that this online entertainment news website published these articles with claims that are solely based on video clips without even trying to reach out to our team to verify them.

Hindi umano katulad sa mga pinapalabas sa social media ang totoong naging pagtanggap kay SC ng karamihan sa tao doon sa event.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

We are not saying that SC had no detractors present during the aforementioned events, but the overall reception of the crowd of SC in both festivals were amazing and nothing like how social media portrays it.

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Read also

Tom Rodriguez, iginiit na hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla Abellana

Matatandaang matapos lumabas ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab Harake, umani man ng pambabatikos, may mga netizens pa rin na bumilib sa talento ni Skusta Clee sa nilabas na music video ng bago nilang kanta ng kapwa niya rapper na si Gloc-9. Umabot sa top 3 trending videos sa YouTube ang music video ng kanilang kantang pinamagatang "Kumpisal".

Samantala, sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos nga maglabas ng bagong kanta ni Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel