Viral delivery rider noong 2020, nagtapos na ngayon bilang magna cùm laude
- Nakapagtapos na ng kolehiyo ang nag-viral na delivery rider noong 2020
- Matatandaang umantig sa puso ng netizens ang larawan ng delivery rider na isa pa lang working student
- Aniya, kinailangan niyang magdoble kayod gayung nagkasakit ang kanyang ama habang ang ina naman nito ang nag-aalaga
- Hindi lamang siya nakatapos, magna cùm laude sa isa sa mga kilalang unibersidad sa bansa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naka-graduate na ang dating delivery rider na si Francis Jan Ax Valerio na minsang nag-viral noong 2020.
Nalaman ng KAMI na si Francis ang noo'y nasa larawan na nakahinto, habang hawak ang cellphone hindi para mag-abang ng orders kundi para makadalo ng kanilang online classes.
Ginagawa raw ito ng working student tuwing siya ay naka-break o di naman kaya ay kung wala pang dagsa ng delivery ayon sa Radyo Singko 92.3 News FM.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ngunit sa panayam ng ABS-CBN News kay Valerio, sinabi niyang kinailangan niya itong gawin dahil na-stroke ang kanyang ama nito lamang Hulyo.
Ang kanyang ina na isang government employee ay hindi rin makapagtrabaho dahil ito ang nagbabantay sa ama.
Bukod kay Francis, may isa pa siyang grade 10 student na kapatid na kailangan din niyang suportahan.
At makalipas nga ang dalawang taon, dala na rin ng patuloy niyang pag-raket, nakatapos siya sa kursong communications bilang isang magna cùm laude.
"Hindi naging madali ang lahat. Magdeliver umaraw man o umulan, mapuyat sa gabi para pumasok sa isa pang trabaho, sabay na din dun 'yung pag-gawa ng mga school works. Kaya 'nung nalaman kong ga-graduate ako ng may latin honor eh hindi ko talaga napigilang umiyak dahil alam kong naging sulit lahat. Sulit ang pagbibilad sa ilalim ng tirik na araw, sulit lahat ng luha kasabay ng pagbyahe sa gitna ng malalakas na ulan, sulit lahat ng puyat maipasa lang ang mga kailangan ipasa sa eskwela," ayon mismo sa post ni Francis.
Kahanga-hanga ang mga working student na dala ng hirap ng buhay, kinakailangan nilang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.
Kamakailan ay hinangaan din ng marami ang isang delivery rider na nagagawa pa ring dumalo ng kanyang online classes habang rumaraket sa pagtatrabaho. Gayundin ang isang working student sa isang fast food chain na ginugugol ang kanyang breaktime sa pagdalo ng kanyang online classes.
Distance learning man ang sistema ng edukasyon sa nagdaang dalawang taon at maging sa kasalukuyan bilang pag-iingat sa COVID-19, marami pa ring mag-aaral ang hinarap ang hamon na ito sa tulong ng kanilang mga magulang masiguro lamang na tuloy-tuloy pa rin ang edukasyon sa kabila ng pandemya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh