Zeinab Harake, masaya na daw na sila lang ng anak niyang si Bia ang magkasama

Zeinab Harake, masaya na daw na sila lang ng anak niyang si Bia ang magkasama

- Ayon kay Zeinab Harake, hindi naman magiging mommy's girl ang anak niyang si Bia kung hindi ito masaya sa pangangalaga niya

- Sa isang tweet ay sinabi niyang masaya na sila kahit silang dalawa lang ang magkasama dahil totoo ang pagmamahal nila sa isa't-isa

- Bago ang tweet niyang ito ay naibahagi ni Zeinab ang isang cryptic message kaugnay sa umano'y pang-aaway ng hindi niya pinangalanang tao

- Aniya ay maglalabas na naman ng kanta ang taong kanyang tinutukoy at mang-aaway na lang para umingay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Zeinab Harake ang picture nila ng kanyang anak na si Bia kalakip ng mensahe tungkol sa pagiging masaya nila kahit dalawa lang silang magkasamang mag-ina. Aniya at least totoo ang pagmamahal nila sa isa't-isa.

Zeinab Harake, masaya na daw na sila lang ng anak niyang si Bia ang magkasama
Zeinab Harake, masaya na daw na sila lang ng anak niyang si Bia ang magkasama (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Bago ang tweet niyang ito ay naging usap-usapan ang kanyang patutsada sa isang taong nang-aaway umano para na lang umingay dahil maglalabas na naman ng kanta. Walang binanggit na pangalan si Zeinab sa naturang tweet. Gayunpaman, diretsahan nitong sinabi na wala nang magagamit ang taong kanyang pinatutungkulan.

Read also

Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas

Read also

Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel