Madam Inutz, emosyonal nang makita ang bawat sulok ng ipinagagawang bahay

Madam Inutz, emosyonal nang makita ang bawat sulok ng ipinagagawang bahay

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Madam Inutz nang makita ang kabuuan ng ipinatatayong bahay

- Sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, nakakuha sila ng mahuhusay na arkitektong nag-present ng magandang plano sa bahay ni Madam Inutz

- Super excited na si Madam nang makita ang plano lalo na at kasama pa rin niya ang mga mahal sa buhay rito

- Malawak na rin ang kanyang opisina at kung saan niya gagawin ang kanyang pagla-live selling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naluha si Madam Inutz nang makita ang kabuuan ng kanyang ipinagagawang bahay.

Nalaman ng KAMI na sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, nagawa na ang napakagandang disenyo at plano sa pangarap na isasakatuparan na ni Madam Inutz, ang magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Madam Inutz, emosyonal nang makita ang bawat sulok ng ipinagagawang bahay
Madam Inutz, emosyonal nang makita ang bawat sulok ng ipinagagawang bahay (Daisy Lopez)
Source: Facebook

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Madam ang gagawin sa bawat sulok ng kanyang tahanan.

Read also

Buboy Villar, nalungkot sa pagkakawalay sa kanyang bunsong anak

Hindi mawawala ang espesyal na kwarto para sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang pinakamamahal na ina na unti-unting nakakabangon sa stroke.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayroon ding palapag na nakalaan para sa espasyo ng online selling ni Madam at sa kanyang opisina.

Aniya, mas lalo umano siyang magiging emosyonal kung matapos na ang ang kanyang bahay at titirhan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na Daisy Lopez:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang house tour ng bahay ni Yassi Pressman

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Sa ngayon, bahagi rin siya ng sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach na "My Papa Pi."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel