Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang house tour ng bahay ni Yassi Pressman

Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang house tour ng bahay ni Yassi Pressman

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag si Yassi Pressman na i-house tour ang kanyang bahay

- Ang kanyang kaibigang si Alex Gonzaga ang kanyang pinayagang mag-house tour sa kanyang sosyaling bahay

- Bukod sa magandang disenyo ng kanyang bahay na karamihan ay gawa nila ng kanyang kapatid na si Issa Pressman, voice controlled din ang ilang bahagi ng kanyang bahay

- Pinakita din ni Yassi ang bagong bahagi ng kanyang bahay na nadagdag matapos nilang mabili ang katabing lote nila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naipakita ni Yassi Pressman ang kanyang bahay sa pamamagitan ng house tour vlog ni Alex Gonzaga. Bukod sa laki at ganda ng disenyo ng kanyang bahay, voice activated din ito.

Yassi Pressman, pumayag sa pag-house tour ni Alex Gonzaga
Alex Gonzaga (@(@cathygonzaga)
Source: Instagram

Kapansin-pansin na marami sa disenyo sa loob ng bahay nila ay gawa ng kanyang kapatid na si Issa Pressman. marami sa painting ni Issa ang naka-display sa bahay ni Yassi. Maging ang mismong unan ay naka-print din ang disenyo ni Issa.

Read also

Angeline Quinto, umalma sa komento ng ilang netizens sa kanyang karelasyon

Pinakita din ni Yassi ang bagong bahagi ng kanyang bahay na nadagdag matapos nilang mabili ang katabing lote nila. Bukod sa kanyang bahay, pinakita din ni Yassi ang kanyang mga alaga. Mayroon siyang ahas at mayroon din siyang aso.

Marami naman ang naaliw sa kulitan ng magkaibigan sa vlog episode na ito ni Alex:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tawa lang ako tawa sa mga kawitty-han mo AG. Nakakagoodvibes ka, kayo ni Yassi.More vlogs w/ her pls. Sana mag Vlog kana din Yassi bagay sa personality mo.. Halatang masarap ka kausap at cool sabi nga ni Mikee. Napakadown to earth pa.. bagay kayo ni AG magkaibigan talaga..Natuwa ako sa vlog na itoooo. Sana marami pang kasunod.
Super cool ng vlog na ito, kasing cool ni AG at Yassi! Graveh yung house ni Yassi, stunning and functional.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Ganda ng taste ni Yassi! Actually nilang magkapatid. Every part of the house is beautiful! Wala kang masasabi, tastefully done!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel