Madam Inutz, nakatikim ng mura ni Direk Cathy Garcia-Molina

Madam Inutz, nakatikim ng mura ni Direk Cathy Garcia-Molina

- Masayang nakipagkulitan si Madam Inutz sa direktor ng kinabibilangan niyang sitcom na si Direk Cathy Garcia-Molina

- Ibinahagi ni Madam Inutz ang video kung saan lakas loob siyang nagpamura kay Direk Cathy

- Hindi naman siya nito binigo at nakatikim nga ng malutong na mura nito

- Matatandaang nakilala si Madam Inutz bilang online seller na may kakaibang paraan ng pagbibenta kung saan namumura niya ang mga 'inutil' na tumatambay lang sa kanyang live selling at hindi bumibili

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Madam Inutz ang kulitan nila ng direktor ng sitcom na si Direk Cathy Garcia-Molina.

Nalaman ng KAMI na lakas-loob na nagpamura si Madam Inutz kay Direk Cathy at hindi naman siya binigo nito.

Madam Inutz, nakatikim ng mura ni Direk Cathy Garcia-Molina
Madam Inutz kasama ang manager niyang si Wilbert Tolentino (Photo from Daisy_Licious Ukay)
Source: Facebook

"Direk pamura naman," hirit ni Madam na sinundan naman agad ng malutong na mura ng direktor nila ng 'My Papa Pi."

Read also

Vandolph Quizon at kanyang misis, binahagi ang kanilang love story

"Namura din. Kala niyo kayo lang may karapatang magmura ah?" ani Madam habang tuwang-tuwa naman ang mga kasama nila na kumukuha ng video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila hindi pa nasiyahan si Madam at humirit pa ng isang round ng malutong na mura ni Direk Cathy at agad naman siya nitong pinagbigyan.

Lahat silang mga babae sa set at nabigyan ng bouquet ng bulaklak na siyang hawak-hawak nila sa video na kuha noong Valentine's day.

Kasalukuyan silang naka-lock in taping kaya naman magkakasama sila sa Araw ng mga Puso.

Mapapanood ang video sa Daisy_licious Ukay Facebook page ni Madam Inutz.

Samantala, masayang ibinahagi naman ni Madam ang bago na naman nilang larawan ni Piolo Pascual na kasama nga niya noong Valentine's Day.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Sekyu ng Jollibee, pinagmalasakitang pakainin ang isang customer na PWD

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Masaya ring naibalita ni Madam Inutz na nanalo rin siya bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer ng Gawad Amerika.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel