Vandolph Quizon at kanyang misis, binahagi ang kanilang love story

Vandolph Quizon at kanyang misis, binahagi ang kanilang love story

- Nakapanayam ni Aster Amoyo ang mag-asawang Jenny Salimao at Vandolph Quizon sa kanyang YouTube channel na TikTok with Aster Amoyo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Dito naibahagi ng dalawa ang kanilang love story at kung paano sila unang nagkakilala

- Maging ang yumaong ama umano ni Vandolph na si Dolphy ay malapit kay Jenny dahil sa nakita nitong magandang pagbabago sa anak niya

- Para naman kay Jenny, dahil kay Dolphy ay naranasan niyang magkaroon ng ama dahil hindi na niya nakilala ang kanyang biological father

Sa panayam ni Aster Amoyo sa mag-asawang Vandolph Quizon at Jenny Salimao, naibahagi nila ang kanilang love story. Kinuwento nila kung paano sila nagkakilala.

Jenny Salimao at Vandolph Quizon (@vitovandolf)
Jenny Salimao at Vandolph Quizon (@vitovandolf)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagkakilala umano sila nang mag-guest ang grupo nina Jenny sa Home Along da Riles. Dahil kilala na ni Jenny si Mark Anthony na kapatid din ni Vandolph, ito umano ang nagpakilala sa kanila.

Maging ang yumaong ama umano ni Vandolph na si Dolphy ay malapit kay Jenny dahil sa nakita nitong magandang pagbabago sa anak niya. Para naman kay Jenny, dahil kay Dolphy ay naranasan niyang magkaroon ng ama dahil hindi na niya nakilala ang kanyang biological father.

Narito ang komento ng mga viewers sa kwento ng pagmamahalan ng mag-asawa:

Hanga ako ke vandolph laki ng bnago at mhusay n public servnt sa tambo paranaque kht d ako tga tambo lam ko thmik sya gmgwa pra sa nsskupan nla ksma ng knyang aswa si jenny kya god bless you vandolph and jenny quizon.
Tama yung maging supportive sa isa't-isa sa mag-asawa. Mahirap yung kinokontra at wag maging idealistic kc wala namn talagang perfect na tao.

Ngayon ko lang nakilala ang character ni Jenny. You guys are very lucky to each other especially vandoolph. Stay safe, happy & always put God the center of your life & family.. Ms. Aster God bless & guide you always!

Vandolph Lacsamana Quizon ay isang Filipino actor, comedian at politician. Nagsilbi siya bilang councilor ng 1st District ng Parañaque.

Anak siya ng Comedy King na si Dolphy at ng batikang aktres na si Alma Moreno.

Ikinasal siya sa aktres na si Jenny Salimao.

Samantala, ilan sa mga fitness transformation ng mga artista ay talaga namang pinag-usapan. Kabilang sa mga kinabilibang fitness transformation ay ang kay Aiko Melendez, Andi Eigenmann, at Camille Prats.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel