Final 5 ng PBB adult edition, buo na; Laziz at Raf ang pinakabagong evictees

Final 5 ng PBB adult edition, buo na; Laziz at Raf ang pinakabagong evictees

- Buo na ang Final 5 ng 'Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 adult edition'

- Pinakabagong lumabas sa bahay ni kuya sina Laziz at Raf at sinubukan pa umanong makiusap ni Nathan na ipalit sa kanya ang kapatid

- Matitinding hamon ang hinarap ng mga housemates na ito na maging ang kanilang emosyon ay sinubok din ni Kuya

- Bago pumasok ang mga adult housemates na ito, matatandaang celebrity housemates ang unang pumasok sa bahay ni Kuya kung saan sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ang hinirang na top 2

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Buo na ang Final 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 adult housemates.

Nalaman ng KAMI na matapos na lumabas ng housemates na sina Raf Juane at Laziz Rustamoov, nakumpleto na ang final 5 na sina Isabel Laohoo, Nathan Juane, Michael Ver Comaling, Seham Daghlas at Zach Guerrero.

Read also

Rob Moya, pumalag sa mga komento matapos siyang masuntok ni "Bad boy ng Cebu"

Final 5 ng PBB adult edition, buo na; Laziz at Raf ang pinakabagong evictees
Final 5 ng PBB adult edition, buo na; Laziz at Raf ang pinakabagong evictees (Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Matatandaang unang napasok sa final 5 sina Michael Ver at Nathan matapos isagawa ang isang task na napagtagumpayan ng dalawa.

"Matapos ang task na aking ibinigay, ang dalawang pinakamataas na points ay sina Michael at Raf. Pero pinapahalagahan ko ang hindi pagsuko sa gitna ng pagsubok at hirap. Isang katangian na hinahanap ko sa mga taong maiiwan hanggang dulo. Kung kaya, dahil sa ipinakita nina Nathan at Michael na tapusin ang hamon sa kabila ng hirap na kaakibat nito, sila ang karapat-dapat maging bahagi ng aking final 5," anunsyo ni Kuya na ikinagulat ng mga housemates.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nais pa sanang isalba ni Nathan ang kapatid na si Raf ngunit tuluyan na nitong nilisan ang bahay ni kuya.

Matitinding hamon ang hinarap ng mga adult housemates na ito na maging ang kanilang emosyon ay sinubok din ni Kuya.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Sina Nathan Juane at Michael Ver Comaling ay kabilang sa unang sampung housemates na pumasok sa bahay ni Kuya ilang araw matapos na tanghaling Top 2 sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ng PBB Kumunity Season 10 celebrity edition.

Nakasama nina Alyssa at Anji sina Samantha Bernardo, Brenda Mage at Madam Inutz sa Final 5.

Samantala, kamakailan ay pormal nang nilisan ni Toni Gonzaga ang programang Pinoy Big Brother kung saan naging main host siya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel