Rob Moya, pumalag sa mga komento matapos siyang masuntok ni "Bad boy ng Cebu"

Rob Moya, pumalag sa mga komento matapos siyang masuntok ni "Bad boy ng Cebu"

- Inisa-isang binasa ni Rob Moya ang mga pambabatikos sa kanya matapos ang pinag-usapang pagkasuntok sa kanya ng tinaguriang "Bad boy ng Cebu"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Naganap ito sa Battle of the YouTubers kung saan naghaharap ang mga Youtube content creator sa bansa

- Naghaharap ang mga ito sa pamamagitan ng live bastketball at boxing matches at maaring tumaya ang mga netizens

- Nakatakda pa umanong magharap sina Rob at Bad Boy ng cebu at pinaghahandaan na ito ni Rob

Hindi na pinalampas ni Rob Moya ang mga komento sa kanya ng netizens kaugnay sa pagkakasuntok sa kanya sa event ng Battle of the YouTubers. Matatandaang natumba siya nang masuntok siya ng tinaguriang Bad Boy ng Cebu.

Rob Moya, pumalag sa mga komento matapos siyang masuntok ni Bad boy ng Cebu
Rob Moya
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Isa-isa niyang sinagot ang mga pambabatikos sa kanya ng mga netizens. Mayroong mga naghamak sa kanya dahil sa kanyang pagkakatumba matapos siyang masuntok ngunit hindi din ito inatrasan ni Rob.

Ang Battle of the Youtubers ay isang event para sa mga YouTube content creator at mga social media influencers. Nagkakatunggali ang mga ito sa pamamagitan ng live bastketball at boxing matches. Bago pa man ang kanilang pagtutuos ay may mga nagtataya sa mga ito.

Nakatakda pa umanong magharap sina Rob at Bad Boy ng cebu at pinaghahandaan na ito ni Rob. Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng kanyang mga viewers:

Kakatuwa reaction mo daddy rob may similarity kayo ni mommy oni the way mag salita at mag react sa bashers.
Idol Rob hayaan mo lng yung mga basher nyo po….Kasi lalo po kayong sumisikat dahil sa kadadada nila at maytime silang mag comment. Kasi Love ka nila♥️♥️♥️ Sabi nga po ni Mommy Toni kung DI naman tototo dapat po wag kayong magalit at wag kayong mag paapekto sa basher.

Read also

Toni Fowler, binuweltahan ang mga netizens na pumuna sa kanyang pagpaparetoke

Wag mo na lang pansin mga basher mo..kasi totoo naman sinasabi nila.

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel