Pag-awit ng "Ako ay Pilipino" ni Toni G sa proclamation rally ng grupo ni BBM, viral

Pag-awit ng "Ako ay Pilipino" ni Toni G sa proclamation rally ng grupo ni BBM, viral

- Isa sa mga naging usap-usapan sa proclamation rally ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte ay ang pag-awit din ni Toni Gozaga

- Hindi lamang daw kasi ito nag-host, inawit din niya ang ilang bahagi ng 'Ako ay Pilipino'

- Gumawa ng ingay sa social media ang pagiging host na ito ni Toni sa nasabing pagtitipon na sinundan ng pagbibitiw niya sa 'Pinoy Big Brother'

- Ito ay matapos ang pagiging host niya ng tanyag na programa ng ABS-CBN sa loob ng 16 na taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agaw-eksena rin ang pag-awit ni Toni Gonzaga sa proclamation rally ng UniTeam na ginanap noong Pebrero 8 sa Philippine Arena.

Nalaman ng KAMI na bago magtapos ang programa, si Toni ang umawit ng ilang linya ng "Ako ay Pilipino" habang nasa entablado rin si presidential aspirant Bongbong Marcos.

Read also

Alex Gonzaga, di makapaniwalang #1 trending ang video nila ni Toni Gonzaga sa YouTube

Pag-awit ng "Ako ay Pilipino" ni Toni G sa proclamation rally ng grupo ni BBM, viral
Toni Gonzaga (Photo from Toni Gonzaga Studios)
Source: UGC

Hindi lamang naging host si Toni, kundi isa rin siya sa mga nagtanghal sa mala-concert daw na sa pagtitipon.

Sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos, marami rin naman ang umano'y pumuri kay Toni sa husay nito bilang tagapagdaloy ng programa at pagiging isang performer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, naging kontrobersyal pa rin ang pagsipot niya sa pagtitipon bilang nag-iisa nitong host kung saan naatasan din siyang ipakilala si Rodante Marcoleta na isa umano sa nagdiin sa ABS-CBN na hindi namuling mabigyan ng prangkisa noong 2020.

Sinundan naman ito ng opisyal niyang pahayag ng pamamaalam sa Pinoy Big Brother na siyang naging programa niya sa Kapamilya network sa loob ng 16 na taon.

Narito ang video ng pagtatanghal ni Toni sa UniTeam proclamation rally na naibahagi rin ng News 5:

Read also

Ogie Diaz, natanong si Toni G kung nakalimot ba ito sa nagawa ni Marcoleta sa ABS-CBN

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer, YouTube content creator, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Ilan sa kanyang mga nakapanayam sa kanyang YouTube channel ay ang mga presidential candidates na sina Senator Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo.

Samantala, naging kontrobersyal naman ang naging interview niya kay dating senador Bongbong Marcos. Agad naman siya nitong dinipensahan at binigyang puri lalo na at sa kanyang palagay, mas mahusay pa umano si Toni kumapara umano sa mga journalist.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica