Ogie Diaz, natanong si Toni G kung nakalimot ba ito sa nagawa ni Marcoleta sa ABS-CBN

Ogie Diaz, natanong si Toni G kung nakalimot ba ito sa nagawa ni Marcoleta sa ABS-CBN

- Natanong ni Ogie Diaz si Toni Gonzaga kung nakalimutan na ba nito ang umano'y nagawa ni Rodante Marcoleta sa ABS-CBN

- Ito ay matapos din hingan ng pahayag ng marami si Ogie D sa kontrobersyal na pag-host ni Toni ng Uniteam proclamation party

- Kung siya raw si Toni, hindi niya ipakikilala si Marcoleta na siya umanong nagdiin sa 'di pagkakaroon muli ng ABS-CBN

- Ilang netizens kasi ang nagawang balikan ang dating 'pagtatanggol' pa umano ng TV host sa kinabibilangang network

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan sa Showbiz update ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa kontrobersyal na pagpapakilala ni Toni Gonzaga kay Rodante Marcoleta sa proclamation rally ng Uniteam na ginanap noong Pebrero 8.

Marami ang humingi ng pahayag o opinyon ni Ogie Diaz patungkol sa nasabing eksena.

Read also

Ogie Diaz sa pagpapakilala ni Toni Gonzaga kay Rodante Marcoleta: "Sana kumuha ng co-host"

Ogie Diaz, natanong si Toni G kung nakalimot ba ito sa nagawa ni Marcoleta sa ABS-CBN
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, maaring nakalimot si Toni na si Marcoleta ang isa sa mga nagdiin na hindi na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.

"Siguro si Toni, bilang host siya e binabasa lang niya, may binabasa po siyang monitor kung paano niya ipakikilala ang susunod na magsasalita. E doon lang siya nakatuon,"
"Siguro din nakalimutan ni Toni yun palang si Marcoleta ang isa sa dahilan kung bakit hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. So, nakalimutan siguro yan ni Toni,"

"Pero kung ito ay hindi nakalimutan ni Toni't pinaninindigan niya na talagang trabaho niya bilang host na ipakilala lahat ang magsasalita so be it," pahayag ni Ogie.

Kaya naman diretsahan niyang naitanong si Toni kung nakalimutan nga ba niya ang ginawa ni Marcoleta.

"Toni nakalimutan mo ba talaga or talagang alam mo 'yun at aware ka na si Marcoleta 'yun ini-introduce mo," pag-uusisa ni Ogie D.

Read also

Ogie D, sinabing hindi buntis si Mika Dela Cruz ayon sa BF nitong si Nash Aguas

Dagdag pa ni Ogie, kung malalagay siya sa ganoong kalagayan, hindi raw niya ipakikilala si Marcoleta at mainam na humiling siyang magkaroon ng co-host na siyang magpapakilala rito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel