Alex Gonzaga, di makapaniwalang #1 trending ang video nila ni Toni Gonzaga sa YouTube

Alex Gonzaga, di makapaniwalang #1 trending ang video nila ni Toni Gonzaga sa YouTube

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot na nagpapakitang #1 trending sa YouTube ang video nila ng kanyang ate na si Toni Gonzaga

- Ito ay ang vlog kung saan kasama nilang magkapatid ang kani-kanilang mister na si Mikee Morada at Paul Soriano

- Ang nasabing video ang pinakabago niyang upload sa kanyang YouTube channel

- Naging usap-usapan ito matapos ang kontrobersyal na pagiging host ni Toni Gonzaga ng UniTeam proclamation rally ng grupo ni BBM at Mayor Sara Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Alex Gonzaga na number 1 trending ngayon sa YouTube ang video nila ng kanyang ate at kani-kanilang mga asawa na may pamagat na "Sino ang mas?"

Nalaman ng KAMI na hindi makapaniwala si Alex na magiging number 1 video ito sa YouTube at pinasalamatan niya ang netizens lalo na at good vibes lamang ang hatid niya sa nasabing vlog.

Read also

Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"

Alex Gonzaga, di makapaniwalang #1 trending ang video nila ni Toni Gonzaga sa YouTube
Toni at Alex Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram
"Ay wow! Akalain mo yun bigla naging #1! Hehehe salamat netizens! Good vibes lang"

Mayroon nang halos 4 million views ang video na kanyang na-upload kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mas lalo itong naging viral matapos ang kontrobersyal na pag-host ng ate niyang si Toni Gonzaga sa proclamation rally ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte.

Kabi-kabilang isyu ang nagsulputan matapos ang pagganap ni Toni na humantong din umano sa pag-iwan nito sa Pinoy Big Brother na siyang naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Naging usap-usapan din ang pagpapakilala ni Toni kay Rodante Marcoleta na tumatakbo bilang senador. Matatandaang si Marcoleta ang isa sa mga nagdiing hindi na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Unang eviction night ng PBB na wala si Toni Gonzaga, viral

Suportado ni Alex ang naging desisyon ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na pinili nang lisanin ang Pinoy Big Brother kung saan siya'y naging host sa loob ng 16 na taon.

Ang opisyal na pahayag niyang ito ay kanyang isinapubliko matapos ang kanyang pagganap bilang tagapagdaloy ng programa ng proclamation rally ng UniTeam.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel