Toni Gonzaga, host ng proclamation rally nina BBM at Mayor Sara sa Philippine Arena

Toni Gonzaga, host ng proclamation rally nina BBM at Mayor Sara sa Philippine Arena

- Kalat na ang umano'y mga rehearsal photos ng mga kabilang sa gaganaping UNITEAM proclamation rally nina BBM at Mayor Sara

- Kabilang dito si Toni Gonzaga na sinasabing magiging host ng malaking event na gaganapin umano sa Philippine Arena sa Bulacan

- Naibahagi rin ng actress TV host na si Karla Estrada ang poster ng UNITEAM proclamation rally na gaganapin ngayong Pebrero 8

- Matatandaang ipinagtanggol ni dating senador Bongbong Marcos si Toni Gonzaga sa mga bumatikos sa host dahil sa kontrobersyal na interview sa kanya nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kalat na ngayon sa social media ang mga larawan ng mga magiging bahagi ng gaganaping UNITEAM proclamation rally nina presidential aspirant Bongbong Marcos ang ang ka-tandem nito sa pagka-bise presidente na si Mayor Sara Duterte.

Toni Gonzaga, host ng proclamation rally nina BBM at Mayor Sara sa Philippine Arena
Photo: Toni Gonzaga (BBM SARA Worldwide supporters)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na agaw-pansin ang kanila umanong poster kung saan makikitang si Toni Gonzaga ang siyang host ng malaking event na gaganapin ngayong Pebrero 8 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Read also

Anna Feliciano, may pahiwatig tungkol sa pagtatapos at bagong simula

Isa sa mga nakunan sa nasabing rehearsal ay si Toni na nasa mismong entablado ng gaganaping proclamation rally at makikikita naman sa background monitor sina BBM at Mayor Sara.

Maging ang TV host actress at Tingog Party-list nominee na si Karla Estrada ay naibahagi ang naturang post na mula sa BBM SARA Worldwide Supporters.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inaasahan ng marami na magiging kontrobersyal ang nasabing ganap dahil makikita rin 'di umano rito ang mga kilalang personalidad na susuporta sa UNITEAM.

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer, YouTube content creator, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon, naging kontrobersyal ang panayam ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studio.

Read also

Waiter na todo rampa sa pag-serve ng pagkain, kinagiliwan ng marami

Dinipensahan siya noon ni Marcos at sinabing kinakitaan niya ng husay si Toni kumpara sa ibang mga totoong journalist.

Bukod kay Marcos, nakapanayam din ni Toni Gonzaga ang iba pang mga presidential aspirants tulad nina Senator Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno at maging si Vice President Leni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel