Jennylyn at Dennis, negatibo sa COVID kahit nagpositibo ang mga kasama sa bahay

Jennylyn at Dennis, negatibo sa COVID kahit nagpositibo ang mga kasama sa bahay

- Ibinahagi nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang ilan sa mga kaganapan sa pananatili nila sa kanilang condo ng dalawang linggo

- Ito ay dahil sa halos lahat ng kasama nila sa bahay ay nagpositibo sa COVID-19

- Maging sila ay tinamaan ng sakit at ilang linggong pag-ubo ngunit negatibo naman sa nasabing virus

- Labis silang nagpapasalamat na hindi sila tinamaan ng COVID-19 lalo na at nasa ikaanim na buwan na ng pagbubuntis si Jennylyn

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang dalawang linggo nilang pamamalagi sa kanilang condo unit kamakailan.

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil halos lahat ng kasama nila sa kanilang bahay ay tinamaan ng COVID-19.

Jennylyn at Dennis, nanatili muna sa condo dahil sa mga kasama sa bahay na nagka-COVID
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado)
Source: Instagram

Ang anak ni Jennylyn na si Jazz, naiwan sa kanilang tahanan kahit na ito ay negatibo sa COVID gayung na-expose ito sa kanyang yaya na nagpositibo.

Read also

Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao

Sina Jennylyn at Dennis ay nagkasakti din at ilang linggong inubo subalit nanatili silang negatibo sa COVID-19 matapos ang ilang test.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laking pasasalamat ng Kapuso actress sa pag-aalaga sa kanya lalo ng mister. Hindi raw kasi siya talaga pinakikilos nito halos sa mga gawain bahay at lahat ay si Dennis ang gumagawa.

Sinisiguro rin nitong maayos ang kanilang kinakain at pinapanatiling malusog si Jennylyn lalo na at nasa ikaanim na buwan na ito ng kanyang pagbubuntis ng kanilang baby girl.

Sa naturang vlog din inanunsyo nilang negatibo naman na ang mga kasama nila sa bahay sa COVID-19 kaya naman makakauwi na muli sila.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag na mapapanood sa YouTube channel ni Jennylyn Mercado:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Read also

70-anyos na tindero ng itlog na na-scam at naholdap, natulungan matapos mag-viral

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

At noong Nobyembre 15, naibahagi ni Jennylyn sa kanyang Facebook page na ikinasal na sila ni Dennis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel