China Roces, pinakita ang kanilang bagong bahay matapos ma-engage kamakailan

China Roces, pinakita ang kanilang bagong bahay matapos ma-engage kamakailan

- Ibinahagi ni China Roces ang picture nila ng kanyang fiancé kung saan makikita sa kanilang likuran ang kanilang bagong tirahan

- Marami sa kanyang mga tagahanga ang nagpaabot ng kanilang pagbati kay China at masaya sila para sa kanilang idol

- Matatandaang mahigit isang buwan pa lamang ang nakakaraan nang isapubliko ni China ang tungkol sa engagement nila ng kanyang boyfriend

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Umani ito ng reaksiyon lalo at naging masalimuot ang paghihiwalay ni China at ng ex nito na si Tim Sawyer na umabot pa sa Raffy Tulfo in Action

Matapos nga ang kanyang announcement noong September 5 ng kasalukuyang taon kaugnay sa kanyang engagement sa kanyang boyfriend, pinakita ni China Roces sa kanyang mga followers ang kanyang bagong tirahan kung saan gagawa sila ng bagong adventure at memories.

Read also

Vince Flores, pinakita ang resulta ng kanyang pagpapaayos ng ilong

China Roces, pinakita ang kanilang bagong bahay matapos ma-engage kamakailan
China Roces (@yourbabychina)
Source: Instagram

Marami sa kanyang mga followers ang bumati sa kanya at natuwa dahil deserve umano ni China ang kanyang kaligayahan.

Matatandaang indi naging madali ang paghihiwalay nila ng dating karelasyon na si Tim Sawyer lalo at meron silang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga mensahe ng kanyang mga followers:

You deserve to be happy Miss China. God bless you both. Oras na rin para makalimutan nyo na ang naging problema nyo sa ex nyo po.
Pagka bagong pag ibig bagong bahay din dapat. Hopefully last mo ng lipat yan at hindi matulad doon sa una at pangalawa mo . Congrats and good luck
Congratulations Ms. China! Wish ko po na maging masaya kayo sa inyong bubuuin na pamilya kasama ang iyong bagong pag-ibig.

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer. Kinalaunan ay naging talent na rin siya ng VIVA.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

Tuluyan nang naghiwalay sina China at Tim. Matatandaang naging emosyonal si China nang ibahagi niya ang paghihiwalay nila.

Kasunod nito ay naglabas ng pahayag ang mga kaibigan ni Tim para pasinungalingan ang naging pahayag ni China kaugnay sa paghihiwalay nila ni Tim.

AALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel