Mariel Padilla, naibahagi ang paninibago ng anak matapos itong makalabas sa unang pagkakataon

Mariel Padilla, naibahagi ang paninibago ng anak matapos itong makalabas sa unang pagkakataon

- Sa kanilang pagpunta sa Cuyapo, Nueva Ecija ay ibinahagi ni Mariel Padilla ang naging karanasan ng kanyang mga anak

- Dahil sa pandemic ay hindi pa umano naranasan ni Gabriela na makalabas at magpunta sa ibang lugar

- Kaya naman sobra umano itong nanibago ngunit kinalaunan ay nakapag-adjust naman ito

- Masayang-masaya umano ang mga anak niyang makipaglaro sa mga pinsan nila at tila ayaw nang umuwi sa kanilang bahay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Mariel Padilla ang hindi naging madali sa anak niyang si Gabriela ang kanilang pagpunta sa ibang lugar. Ito ang unang pagkakataong makapunta sa Cuyapo, Nueva Ecija ang kanyang mga anak sa bahay ng kanyang biyenan na si Mama Eva.

Mariel Padilla, naibahagi ang paninibago ng anak matapos itong makalabas sa unang pagkakataon
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Ayon kay Mariel, dahil buong buhay ng anak na si Gabriel ay nasa bahay lang ito, natakot siya ngunit kinalaunan ay nakapag-adjust naman ito at nakipaglaro na rin sa kanyang mga pinsan kasama ang kanyang ate na si Isabella.

Read also

Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"

Masayang-masaya umano ang mga anak niyang makipaglaro sa mga pinsan nila at tila ayaw nang umuwi sa kanilang bahay.

MArami sa mga bata sa kasalukuyan ang ganito ang pinagdadaanan dahil sa pandemya. Kesa malagay sa panganib, kinailangan nilang manatili sa loob ng bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa katunayan, maging ang pagpasok sa paaralan ay hindi pa rin pinapayagan lalo at wala pa namang aprubadong bakuna para sa mga bata. Gayunpaman, sa ibang parte ng mundo ay unti-unti na ring nakakabalik sa normal na buhay ang mga tao.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Read also

Kylie Padilla, nilinaw na hindi si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel