Vlogger na si Jomar Lovena, ikinalungkot ang pagka-terminate ng kanyang YouTube channel

Vlogger na si Jomar Lovena, ikinalungkot ang pagka-terminate ng kanyang YouTube channel

- Labis na ikinalungkot ng vlogger na si Jomar Lovena ang nangyari sa kanyang YouTube channel

- Wala nang nakikita sa kanyang mga vlogs at ang nakalagay lamang ay terminated umano ang kanyang videos

- Wala pang inilalabas na official statement ang vlogger kaugnay sa nangyari ngunit sa kanyang Facebook page ay inilabas niya ang kanyang saloobin

- Matatandaang naging usap-usapan ang vlogger kamakailan matapos nitong ibahagi ang pagdadalangtao ng kanyang girlfriend at kinalaunan ay ibinahagi niya ring nanganak na ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala nang ibang nasabi ang vlogger na si Jomar Lovena kundi ang tila panghihinayang sa pagkawala ng kanyang YouTube channel. Wala nang nakikita sa kanyang mga vlogs at ang nakalagay lamang ay terminated umano ang kanyang videos.

Vlogger na si Jomar Lovena, ikinalungkot ang pagka-terminate ng kanyang YouTube channel
Jomar Lovena
Source: Instagram

Sa isang Facebook post ay naibahagi niya ang pagkadismaya sa nangyari.

Read also

Rico Blanco, nag-reply sa fan na pinuna ang kanyang pananamit

Marami sa kanyang mga tagasuporta at followers ang nabahala at napatanong:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Anong nangyari tatey bkt nagkaganun kakapanuod ko lng kagabi sainyo ni naney. bat ganun wala na po ung youtube channel mo bosskilah?
O my support pa rin kami bosskilah kaya lang yung kikitain mo sa vids mo noon sayang naman.
Jomar magpaka tatag ka wag kang susuko kaliwat kanan man ang mga pagsubok sayo wag kang pang hihinaan ng loob.

Matatandaang naging usap-usapan ang vlogger kamakailan matapos nitong ibahagi ang pagdadalangtao ng kanyang girlfriend at kinalaunan ay ibinahagi niya ring nanganak na ito.

Si Jomar Lovena ay isang YouTuber sa Pilipinas. Nakilala ang tambalan nila ng isa pang YouTuber na si Sachzna Laparan. Gayunpaman, napagkasunduan nilang itigil ang kanilang paggawa ng mga content na magkasama. Kasunod nito ay pinakilala nila ang kanilang mga karelasyon.

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

Matatandaang kamakailan ay ipinakilala ni Jomar ang kanyang kasintahanmg si Veybillyn Gorens. Kasunod nito ay naibahagi niya ang tungkol sa pagdadalantao nito at ngayon nga ay ibinahagi niya ang video ng araw kung saan ipinanganak ni Veybillyn ang kanilang anak.

PAALALA: Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel