Vlogger na si Basel Manadil, nakapagbigay trabaho sa 20 katao sa loob ng isang araw

Vlogger na si Basel Manadil, nakapagbigay trabaho sa 20 katao sa loob ng isang araw

- Kahanga-hanga ang pagtulong na ginawa ng vlogger na si Basel Manadil na nakapagbigay ng ng trabaho sa 20 katao sa loob ng isang araw

- Ito ay dahil sa pinatatayo niyang bagong branch ng kanyang negosyo kaya naman maraming mga unemployed ang sinuwerteng nagkatrabaho

- May signing bonus pa ang mga bago niyang empleyado na ilang buwan ding naghahanap ng trabaho

- Habang papunta pa lang sa kanyang shop, may natulungan din si Basel na isang lalaking hirap na maglakad na nagtutulak ng kariton nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli na namang nakatulong si Basel Manadil sa mga Pinoy na nangangailangan ng tulong dahil sa mga trabahong naibigay niya sa mga ito.

Nalaman ng KAMI na sa loob ng isang araw, nasa 20 na trabaho ang kanyang naibigay sa mga masusuwerteng naghahanap nito.

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

Katunayan, dalawa sa kanyang na-hire na mga cashier ay kanyang na-interview at ibinahagi sa kanyang vlog.

Vlogger na si Basel Manadil, nakapagbigay trabaho sa 20 katao sa loob ng isang araw
Vlogger na si Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Facebook

Naluha ang mga ito dahil bukod sa nakuha nila ang trabaho, hindi nila inaasahang may signing bonus pa sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa nila, ilang buwan silang naghahanap ng trabaho na sadyang napakahirap sa panahon ng pandemya.

Bukod sa mga ito, nagkaroon din ng trabaho ang mga construction workers na gumagawa ng bagong store ni Basel.

Bukod pa rito, isang lalaking hirap ding maglakad ang kanyang natulungan nang madaanan lamang niya ito sa gilid ng kalsada habang nagmamaneho.

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.

Read also

Balloon vendor, naluha sa 'di inaasahang pagkikita nila ng vlogger na hinahangaan niya

Kamakailan, nabiyayaan ni Basel ng motorsiklo ang isang delivery rider na napansin niyang bike lamang ang gamit sa pagtatrabaho.

Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica