Madam Inutz, tumulong maglako ng isda; binili rin at ipinamigay ang paninda

Madam Inutz, tumulong maglako ng isda; binili rin at ipinamigay ang paninda

- Tinulungan ni Madam Inutz ang isa sa mga fish vendor sa kanilang lugar at siya ang naglako ng mga paninda nito

- Nakita ni Madam Inutz ang hirap sa paglalako ng isda sa palengke lalo na at marami rin daw kakompetensya

- Tulad din ng kanyang live selling, kung saan siya nakilala, marami lang halos ang tumambay at naki-osyoso sa fish stall ngunit kaunti ang bumili

- Binili rin halos lahat ni Madam Inutz ang mga isda ng fish vendor at ipinamigay din sa mga taong naroon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbabahagi ng biyaya ni Madam Inutz at kamakailan nga ay naisipan nitong tulungan ang isang fish vendor.

Nalaman ng KAMI na sa pinakabagong vlog ng viral online seller, naisipan niyang pagpapahingahin ang masuwerteng fish vendor sa kanilang lugar at siya ang naglako ng mga paninda nito.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Madam Inutz, tumulong sa fish vendor na maglako; binili ang mga isda na hindi nabenta
Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (Photo: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Dumaan muna sina Madam Inutz at kanyang team sa barangay hall upang magpaalam sa kapitan ng kanilang barangay sa kanyang isasagawa.

Walang kaarte-arteng naglako ng isda si Madam Inutz at nanawag ng mga bibili.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inihalintulad din niya ito sa online live selling na maraming tambay ngunit walang masyadong bumibili.

Bagaman at mainit ang at talagang pinawisan si Madam Inutz sa kanyang paglalako, ipinagpatuloy pa rin niya ito.

Bago matapos ang kanyang vlog, halos pakyawin na niya ang mga paninda ng fish vendor at ipinamigay niya sa mga taong naroon.

Agad na nakilala ng publiko Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo sa mahigit 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda. Nasa ilalim na siya ng pangangalaga ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Kamakailan lang ay inilabas na ni Madam Inutz ang kanyang debut single na "Inutil" kung saan mayroon pa siyang pa-dance challenge para rito. Php100,000 ang maaring mapapanalunan ng grand winner.

Nito lamang Oktubre 6, inanunsyo ni Madam Inutz na isa siya sa mga official celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Season 10. Sa kanyang Kumu Live, ipinakita niya kung paano siya nag-empake at naghanda sa pagpasok niya sa bahay ni Kuya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel