Kiray Celis, sinorpresa ng bagong motor ang kuya niyang construction worker

Kiray Celis, sinorpresa ng bagong motor ang kuya niyang construction worker

- Sa kanyang bagong vlog, pinakita ni Kiray Celis ang kanyang pagbili ng bagong motor

- Ito ay kanyang ibinigay sa kanyang kuya na kanyang inilarawan bilang sobrang sipag na ama at isang construction worker

- Hindi umano siya nagbigay ng regalo sa kanyang kuya noong kaarawan nito dahil pinag-ipunan niya ang nasabing motor na binayaran niya nang buo

- Abot-abot naman ang kaligayahan at pagpapasalamat ng kanyang kuya sa regalong kanyang natanggap

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling pinatunayan ni Kiray Celis ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang pamilya. Isang bagong motor ang kanyang binili para sa kanyang kuya na isang construction worker.

Kiray Celis, sinorpresa ang kuya niyang construction worker ng isang bagong motor
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Aniya, matagal nang pangarap ng kanyang kuya na magkaroon ng motor. kaya naman, minabuti niyang huwag nang magbigay ng regalo para sa kaarawan nito para makapag-ipon siya para sa motor na gusto ng kanyang kuya.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

Pinuntahan ni Kiray ang kanyang kuya sa trabaho nito at iniabot ang susi ng kanyang motor. Tuwang-tuwa naman ang kanyang kapatid nang makita ang kanyang bagong motor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Muli ay umani ng paghanga mula sa netizens si Kiray:

Sobrang nakaka proud yung hindi mo kinahiya yung trabaho ng kapatid mo kasi, totoo naman yun na marangal yung trabaho niya. Nakaka Good Vibes yung mga Vlog mo Ms. Kiray., stay safe with your family and to your jowabels. God bless
Kudos to you Kiray! So proud of you for being so family-oriented and generous. May God bless you more in your career. Good luck to your vlogs. Wish and pray for more subscribers to you asap.God bless you.
Kaya maraming blessings na dumating sayo kasi npaka generous mong tao..God bless po...npakahumble mo din po...since goin bulilit i've been watching you

Read also

Alwyn Uytingco, pinasalamatan si Jennica Garcia hindi umano ito nag-give up sa kanya

Ang aktres at komeyanteng si Kiray Celis ay unang sumikat sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang regalo para sa kanyang mga magulang noong Valentines Day.

Sinorpresa niya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel