Beatrice Luigi Gomez, kinoronahan bilang Miss Universe PH 2021

Beatrice Luigi Gomez, kinoronahan bilang Miss Universe PH 2021

- Isang dark horse kung tawagin ng mga netizens ang kinoronahang Miss Universe PH 2021 na si Beatrice Luigi Gomez

- Ang kinatawan ng Cebu City ay isang model, athlete, PH Navy reserve at nakilala din siya bilang miyembro ng LGBTQ community

- Kaya naman, sa kanyang pagkapanalo, marami sa mga miyembro ng LGBTQ community ang nagbunyi at bumati sa kanya

- Ang MUPH 2021 ay ginanap sa Henann Resort Convention Center sa Alona Beach, Panglao, Bohol, Philippines

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa higpit ng kompetisyon sa Miss Universe Philippines 2021 pageant, marami sa mga kalahok ang naging bet ng mga pageant fans. Si Beatrice Luigi Gomez na kumatawan sa Cebu City ang magiging representative ng bansa sa Miss Universe pageant ngayong Disyembre na gaganapin sa Israel.

Ayon sa post ni Dra. Vicki Belo, unanimous ang naging choise ng mga hurado at lahat sila ay pabor na si Gomez ang kinoronahan.

Read also

RR Enriquez, kinaaliwan sa kanyang binahaging TikTok dance

Beatrice Luigi Gomez, kinoronahan bilang Miss Universe PH 2021
Miss Universe Philippines 2021 Top 5 (@themissuniverseph)
Source: Instagram

Ang kinatawan ng Cebu City ay isang model, athlete, PH Navy reserve at nakilala din siya bilang miyembro ng LGBTQ community. Naging bukas siya sa publiko kaugnay sa kanyang karelasyon.

Kaya naman, sa kanyang pagkapanalo, marami sa mga miyembro ng LGBTQ community ang nagbunyi at bumati sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Miss Universe Philippines 2021 pageant ay ginanap sa Henann Resort Convention Center sa Alona Beach, Panglao, Bohol, Philippines nitong September 30, 2021.

Narito ang mga kabilang sa mga nanalo na kasali sa Top 5 na naturang pageant.

Ang pambato ng lungsod ng Taguig na si Katrina Dimaranan ay tinanghal naMUPh Tourism. Samantala, MUPh Charity naman ang pambato ng Cavite na si Victoria Velasquez Vincent.

Ang Miss Universe Philippines ay isang beauty pageant competition sa bansa. Maituturing itong isa sa mga major national pageant. Ang organisasyon ng MUPH ay may layong makapili ng kakatawan sa bansa sa nakatakdang Miss Universe pageant.

Read also

Toni Talks team ni Toni Gonzaga, nagbigay paalala sa publiko: "Register now to vote"

Kabilang sa mga pinakamaraming tagasuporta na kalahok sa Miss Universe PH 2021 ay si Kisses Delavin. Bago pa man siya sumali sa naturang pageant ay marami na siyang tagahanga bilang isang aktres.

Naging usap-usapan din ang kanyang National costume na Lapay-inspired.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate