RR Enriquez, kinaaliwan sa kanyang binahaging TikTok dance

RR Enriquez, kinaaliwan sa kanyang binahaging TikTok dance

- Binahagi ni RR Enriquez ang kanyang nakakaaliw na pagsayaw sa pamamagitan ng isang TikTok video

- Ito ay matapos siya tanungin ng isang netizen kung bakit umano hindi masyadong sumasayaw umano noon sa TikTok

- Sinayaw ni RR ang usong-usong sayaw sa TikTok na Zoom ng Korean-American rapper na si Jessi

- Ito umano ay para makita ng naturang netizen ang kanyang sayaw at siya na mismo ang humatol kung magaling ba talaga siya sumayaw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si RR Enriquez sa pinakita nitong sayaw sa TikTok matapos siyang tanungin ng isang netizen kung bakit hindi siya nagsasayaw sa TikTok. Ani RR, basic na kembot lang talaga ang kaya niya.

RR Enriquez, umalma sa pagkukumpara kay Denise Laurel at kay Sandra Lemonon
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Biro pa ni RR, huwag na ipilit na dancer siya dahil aniya ay nakakahiya sa mga totoong dancer. Pero aniya ay pangarap niya talagang maging dancer.

Read also

Annabelle Rama, pinagtanggol ang anak na si Ruffa Gutierrez

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Kapag di magaling sumayaw ang maganda, naapaka cute at maganda parin sila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magaling ka nga Po. Wag nyo na po ulitin. Good vibes tlaga to si RR
Hahahahahahah …ayun na nga,wag na kasi pala desisyon

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Read also

Lee O'Brian, nag-post ng picture ng anak matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Pokwang

Bilang isa sa mga babaeng nakilalang karelasyon ng PBA player, maraming beses nang naitanong kay RR sa comments section ng kanyang mga post ang tungkol sa paghihiwalay nina Scottie Thompson at Pau Fajardo. Kahit medyo matagal nang nangyari minabuti ni RR na maghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa isyu. Aniya, dapat ay tigilan na lamang ang pangbabatikos kina Scottie at sa misis nitong si Jinky Serrano dahil dapat ipagpasalamat na lang na nakawala si Pau sa ganoong relasyon. Ibinida din ni RR ang natural na kagandahan ni Pau na aniya'y nakapagpa-amaze talaga sa kanya nang una niyang makita ng personal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel