Ogie Diaz kay Jennylyn Mercado na buntis daw: "Congrats ha, Dennis and Jennylyn"

Ogie Diaz kay Jennylyn Mercado na buntis daw: "Congrats ha, Dennis and Jennylyn"

- Binati ni Ogie Diaz ang celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

- Ito ay matapos na mapabalitang hindi positibo sa COVID-19 ang Kapuso actress kundi positibo ito sa pregnancy test

- Ayon kay Ogie Diaz, unang na-blind item umano si Jennylyn matapos na matigil ang lock-in taping nila ng teleserye sana nila ni Xian Lim

- Totoo man o hindi, magiging masaya raw si Ogie sa dalawa kaya naman hintayin nalang umanoa ng kumpirmasyon mula kay Jennylyn at Dennis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binati ni Ogie Diaz ang celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado matapos na mapabalitang nagdadalang-tao ang Kapuso actress.

Nalaman ng KAMI na na-blind item umano si Jennylyn ayon kay Ogie na hindi ito nagpositibo sa COVID-19 kundi nagpositibo ito sa pregnancy test.

Read also

Ogie Diaz sa pag-reach out ni Julia Barretto kay Janella Salvador: "Magkakasundo rin yan!"

Ogie Diaz sa balitang buntis si Jennylyn Mercado: "Congrats ha, Dennis and Jennylyn!"
Jennylyn Mercado (@mercadojenny)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan lang, napabalitang nahinto ang lock-in taping nina Jennylyn at Xian Lim na "Love Die Repeat" dahil umano medical emergency ng aktres.

"Nauna na nga rito ay nai-blind item sa Pep ng Troika... Ito ngang aktres na nag-positive sa pregnancy," pahayag ni Ogie sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Magandang balita nga kung buntis si Jennylyn 'di ba?" dagdag pa ni Ogie lalo na at malalaki naman na ang mga panganay na anak nina Dennis at Jennylyn.

"Wala namang itinatanggi sa pagbubuntis, iintayin na lang natin ang kumpirmasyon mula kay Jennylyn kung totoo man ito at kung totoo ito, syempre sobrang happy ako for them," ayon pa kay Ogie.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Read also

Carlo Aquino, idinetalye ang role sana niya sa 'Squid Game': "Ito 'yung in-audition ko!"

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga videos sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel