Ogie Diaz sa pag-reach out ni Julia Barretto kay Janella Salvador: "Magkakasundo rin yan!"

Ogie Diaz sa pag-reach out ni Julia Barretto kay Janella Salvador: "Magkakasundo rin yan!"

- Inamin kamakailan ni Janella Salvador na hindi na sila nag-uusap ng dating kaibigan na si Julia Barretto

- Hindi naman na nagbigay pa ng detalye si Janella sa rason kaugnay nito

- Subalit nabanggit din naman ni Jannella ang umano'y pag-reach out sa kanya ni Julia noong nagbubuntis pa siya

- Ayon kay Ogie Diaz, maaring bukas pa rin si Janella sa maaring pagbabalik ng komunikasyon nila ni Julia lalo na at kinakitaan na niya ng maturity ang aktres na isa na ngayong ina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan nina Mama Loi at Ogie Diaz sa pinakabagong episode nila ng Ogie Diaz Showbiz Update ay ang umano'y hidwaan nina Janella Salvador at Julia Barretto.

Nalaman ng KAMI na naging kontrobersyal ang pahayag ni Janella sa 'drink or spill' challenge sa kanya ng dating PBB housemates na sina Joj at Jai Agpangan.

Read also

Pinoy Teacher at data analyst sa Korea, naging bahagi ng Netflix hit na 'Squid Game'

Ogie Diaz sa pag-reach out ni Julia Barretto kay Janella Salvador: "Magkakasundo rin yan!"
Janella Salvador (@superjanella)
Source: Instagram

Doon, naikwento ni Janella na nagkaroon sila ng isyu ni Julia ngunit hindi na siya nagbigay pa ng mga detalye.

Subalit, sinabi ni Janella na nakatanggap pa rin umano siya ng mga 'balloons' mula kay Julia noong siya ay nagbubuntis pa lamang, at nag-thank you naman siya sa aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nilarawan din niyang hindi na 'nag-progress' ang kanilang friendship.

Ayon naman kay Ogie Diaz, nakikita niyang bukas pa rin si Janella sa maaring pagbabalik nila ng komunikasyon ng dating kaibigan na si Julia.

"Feeling ko naman, doon sa statement na 'yun ni Janella, e parang bukas siya, open siya sa kanilang pag-uusap ulit ni Julia," ani Ogie Diaz.

"Alam mo, pag nagiging nanay ka na, nagma-mature ka e. Kahit 'yung pakikipag-away medyo binabawasan mo na," dagdag pa niya.

Read also

Rico Blanco, pinakilig ang GF na si Maris Racal sa kanyang DIY haircut

"Lalo na kung may pinagsamahan naman, feeling ko maaayos din yan."

Ayon pa kay Mama Loi, naka-follow na muli si Julia sa Instagram ni Janelle Salvador.

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Mama Loi at Ogie Diaz mula sa kanilang YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel