Nikko Natividad, naiyak sa nagawa noon sa asawa: "Pinakaayaw kong maalalang year"

Nikko Natividad, naiyak sa nagawa noon sa asawa: "Pinakaayaw kong maalalang year"

- Naikwento ni Nikko Natividad sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang mga pinagdaanan nila ng kanyang asawa

- Isa na rito ay ang pag-amin niya na nagawa niya dati na saktan ang misis dahil sa pagiging alcoholic noon at pagka-aburido umano sa mga nangyayari sa kanila

- Subalit doon niya napatunayan ang labis na pagmamahal sa kanya ng asawa na hindi siya basta sinukuan sa kabila ng mga nagawa nito sa kanya

- Ito umano ang ilan sa mga dahilan ng labis na pagmamahal niya sa tinatawag na niyang asawa gayung naghahanda pa lamang sila sa kanilang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapang na inamin ni Nikko Natividad ang dating mga hindi magagandang nagawa niya sa kanyang asawa na si Cielo Eusebio.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa mga naikwento ni Nikko ang simula ng pagsasama nila ni Cielo.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Nikko Natividad, naiyak nang inamin ang nagawa sa asawa: "Pinakaayaw kong maalalang year"
Nikko Natividad kasama ang kanyang asawa na si Cielo (Photo: @hashtag_nikko)
Source: Instagram
"'Yun 'yung pinakaayaw kong maalalang year. Kasi yung pinagsisisihan ko na, inamin ko 'to sa isang interview na nagawa ko siyang saktan physically."
"Nasasalitaan ko siya ng hindi maganda,alcoholic kasi ako noon."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi matukoy ni Nikko ang kanyang dahilan noon kung bakita nagagawa ang pananakit sa asawa na marahil umano sa pagka-aburido dahil walang-wala raw sila noon. Isa rin sa iniisip niyang rason ay ang pagkabigla sa mga pangyayari dahil iyon ang panahon na nabuntis na umano niya si Cielo.

Subalit ang mga pagsubok na ito ang siyang naging dahilan upang mas lalong pagtibayin ng dalawa ang kanilang pagsasama.

"Naniniwala daw po siya na magbabago ako. 'Nung may anak na kami, mahal na mahal niya ako. Nakita niya akong ganun, walang-wala ganoon pa ugali ko. Nagtiis siya."

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

Kamakailan, inanunsyo ni Nikko ang engagement nila ni Cielo na tinatawag na niyang asawa gayung naghahanda pa lamang sila sa kanilang pag-iisang dibdib.

Narito ang kabuuan ng video na mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kamakailan ay makulit nilang inanunsyo ng kanyang fiancée na si Cielo Eusebio ang kanilang engagement kung saan pinalabas nilang prank ito sa kanilang malalapit ng mga kaibigan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel