Nikko Natividad, engaged na sa non-showbiz partner na si Cielo Eusebio

Nikko Natividad, engaged na sa non-showbiz partner na si Cielo Eusebio

- Ibinahagi nina Nikko Natividad at kanyang partner na si Ceilo Eusebio ang tungkol sa kanilang engagement

- Sa kanilang vlog na ibinahagi sa YouTube, kunwari ay prank ang kanilang ginawa nang tawagan nila ang ilang mga kaibigan nila para sabihin ang tungkol sa kanilang planong pagpapakasal

- Gayunpaman, sa huling bahagi ng video ay ibinahagi nilang totoong engaged na sila at para sa kanila ay ito na ang tamang panahon na kanilang hinihintay para maikasal

- Sila Cielo at Nikko ay mayroong isang anak na lalaki na kanilang pinangalanang Aiden

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kunwari ay prank lamang ang pagbabalita nina Nikko Natividad at Cielo Eusebio sa kanilang mga kaibigan at pamilya tungkol sa plano nilang pagpapakasal. Tiningnan nila ang reaksiyon ng kanilang mga kaibigan at pamilya.

Nikko Natividad, engaged na sa non-showbiz partner na si Cielo Eusebio
Cielo Usebio and Nikko Natividad (@hashtag_nikko)
Source: Instagram

Gayunpaman, sa huling bahagi ng video, ibinahagi nila na totoong balak na nilang magpakasal at nakapag-propose na si Nikko.

Read also

Vlogger na si Jose Hallorina, sinabing namatay raw na homeless ang lola ni Donnalyn Bartolome

Bumuhos naman ang pagbati para sa dalawa:

Wag naman po prank. Pakasal na po kayo eto kasi yung part na inaasam asam ko after ko mapanuod yung big revelation niyo sa beach♥️ pero naniniwala po ako pinaka dabest mag plano ang Panginoon. In God will matutupad din yan♥️
Most Favorite and Love influencer. Stress Reliever ❤ God bless po Ate Cielo And Kuya Nikko and Baby Aiden Keep safe Po❤
Dapat lng na magpakasal na kayo,dapat lng na pakasalan mo na rin c Cielo,wag mo cyang saktan emotionally and physically.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang mensahe ni Nikko kay Cielo Eusebio, ang ina ng kanyang anak. Mariin din niyang pinabulaanan na sa kanya ang Tinder account na nag-viral.

Read also

Donekla in Tandem, ibinahagi sa kanilang vlog ang pagpapa-Feng Shui ng kanilang bahay

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel