Donekla in Tandem, ibinahagi sa kanilang vlog ang pagpapa-Feng Shui ng kanilang bahay

Donekla in Tandem, ibinahagi sa kanilang vlog ang pagpapa-Feng Shui ng kanilang bahay

- Ibinahagi nina Super Tekla at Donita Nose ang pagpapa-Feng Shui ng kanilang tahanan

- Ito ay matapos na mapanood ng isang Feng Shui expert ang kanilang video kung saan nilarawan nito na parang 'mabigat' tingnan ang bahay ng mga komedyante

- Pinapunta nila ito upang masuri mismo ang kanilang bahay at para malaman ang kanilang dapat na gawin

- Sinabihan din sila na bagaman at may 'bantay' ang kanilang bahay, may paparating pa rin na swerte ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi nina Donita Nose at Super Tekla sa kanilang YouTube channel ang pagkonsulta nila sa isang Feng Shui expert.

Nalaman ng KAMI na inimbita nila ang Feng Shui expert na si Albert matapos daw mapanood nito ang ilang video ng ng dalawa na para sa kanya ay 'mabigat' tingnan ang bahay.

Read also

Boxing champs Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam na hawak ang kanilang medalya, viral na

Sa pagpasok pa lamang nito, napuna na niya ang sirang pinto na hindi umano maganda sa Feng Shui.

Donekla in Tandem, ibinahagi sa kanilang vlog ang pagpapa-Feng Shui ng kanilang bahay
Photo: Super Tekla at Donita Nose (Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Tiningnan din nila ang bawat bahagi ng bahay at ipinaliwanag ni Albert ang kailangang baguhin nina Tekla at Donita sa pagkakapwesto ng ilan sa kanilang mga gamit.

Binalaan din sila ni Albert na mayroon umanong may galit sa dalawa kaya tila madalas na maalinsangan ang pakiramdam sa bahay.

Gayunpaman, sa kabila ng ilang nakakikilabot na nalaman ng mga komedyante, mayroon pa rin naman umano silang paparating na biyaya basta't samahan lamang nila umano ng palagiang pagdarasal ang araw-araw nilang gawain.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanilang YouTube channel na Donekla in Tandem:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Kasalukuyan na silang mayroong 2.9 million subscribers sa kanilang YouTube channel.

Read also

Inang 50 taon nang naglalako ng balut, niregaluhan ng magandang bahay ng kanyang anak

Kamakailan, naglabas sila ng saloobin kaugnay sa pagba-bash sa kanila nang kapanayamin nila ang ex ni Tekla na si Michelle Banaag.

Pansamantala nilang inalis sa kanilang YouTube channel ang naturang video ngunit matapos na tanungin ang publiko kung nais nilang mapanood pa rin panayam, ibinalik din nila ito.

Doon ipinakita na maayos nang kinausap ni Donita si Michelle na umaming noon pa man ay ayaw niya ang babaeng ito para sa kaibigang si Tekla.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel