Boxing champs Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam na hawak ang kanilang medalya, viral na

Boxing champs Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam na hawak ang kanilang medalya, viral na

- Ibinahagi ni Eumir Marcial ang larawan niyang kasama sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam

- Hawak nila ang kani-kanilang mga medalya na nakamit sa boxing sa Tokyo 2020 Olympics

- Mabilis na nag-viral ang larawan na umantig sa puso ng mga Pinoy na sobrang ipinagmamalaki ang kanilang nagawa para sa bansa sa larangan ng Sports

- Kulang na lamang daw umano sa larawan ang Gold medalist na si Hidilyn Diaz na una nang nakauwi sa bansa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang larawang ibinahagi ni Eumir Marcial kung saan magkakasama sila nina Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Nalaman ng KAMI na marami ang naantig ang puso sa larawang ito kung saang hawak ng tatlo ang mga medalyang nakamit nila sa larangan ng boxing.

Read also

Ivana Alawi, humingi ng saklolo sa kanyang Ate Amira kung paano maging 'smart'

Sa kanyang Instagram, nakangiting nagpakuha ng litrato ang tatlo na may caption na 'See you soon Philippines.

Pinoy boxing champs Eumir, Nesthy at Carlo sa isang larawang hawak ang kanilang medalya, viral
Eumir Marcial kasama si Nesthy Petecio (Photo credit: @eumirmarcial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis namang nakaramdam ng pagka-proud ang mga Pinoy na nakakita ng larawan na magiging bahagi na ng kasaysayan ng bansa pagdating sa pampalakasan sa Olympics.

Narito ang kani-kanilang komento:

"Bakit ako naiiyak habang nakatingin sa kanila? Congrats po sa inyo. Nakaka-proud ang ginawa niyo para sa bansa"
"Our boxing champs in one photo! Saludo po kami sa kahusayan ninyo."
"Deserve nilang tatlo ang kanilang nakamit na tagumpay. Mabuhay po kayo"
"Congratulations po sa inyo. Grabe ang binigay niyo sa aming mga Pilipino na sa gitna ng pandemya, kaya nating umangat at maging matagumpay"
"Thank you Eumir, Nesthy and Carlo. Saludo ang sambayanang Pilipino sa inyo."

Samantala, marami rin ang nagsasabing ang Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz na lang ang kulang sa larawan gayung nauna na itong bumalik sa bansa noong nakaraang linggo.

Read also

Delivery rider, desididong kasuhan ang TikTok couple na sinabihan siyang magnanakaw

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Eumir Marcial ay isang Filipino boxer na nagkamit ng bronze medal mula sa Tokyo 2020 Olympics.

Gayundin sina Nesthy Petecio na isang Filipina boxer na silver medal naman ang nasungkit pati na rin si Carlo Paalam na pilak na medalya rin ang iuuwi sa bansa.

Kasalukuyan nang may apat na medalya ang Pilipinas kung saan nasungkit naman ni Hidilyn Diaz ang pinakaunang gold medal sa historical win niya sa weightlfting.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel