Ivana Alawi, humingi ng saklolo sa kanyang Ate Amira kung paano maging 'smart'

Ivana Alawi, humingi ng saklolo sa kanyang Ate Amira kung paano maging 'smart'

- Sa pinakabago niyang vlog, naisipan ni Ivana Alawi na maging 'smart' sa loob ng isang araw

- Para maisakatuparan ito, tinawagan pa niya ang kanyang Ate Amira na sinasabi niyang mas magaling kaysa sa kanila

- Sinusubukan umano ni Ivana na makipagsabayan ng pagi-ingles sa bunso nilang si Mona

- Aliw na aliw naman ang Alawi family sa naisipang gawin ni Ivana na maging si Mama Alawi ay walang humpay sa pagtawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na namang makulit na video ang ibinahagi ng Alawi family dahil naisipan ni Ivana na maging 'smart sa loob ng isang araw.

Nalaman ng KAMI na nagbihis pa si Ivana at suot niya ang kanyang blue sexy suit at eyeglasses para maging complete package ang kanyang pagiging 'smart' for a day.

Nakipagsabayan siya ng pagi-english speaking ni Mona na wala namang tigil sa kakatawa at tuwang-tuwa sa kanyang ate.

Read also

Teacher Dan, sinabing hindi niya sinasadya ang pagpiyok niya sa kanyang pagkanta

Ivana Alawi, humingi ng saklolo sa kanyang Ate Amira kung paano maging 'smart'
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Maging ang kanilang mama Alawi ay aliw na aliw kay Ivana at pinuri pa nito ang kanyang outfit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Supportive din sa kanya ang kanyang kapatid na si Hash na binigyan pa siya ng kape.

At para itodo ang pagiging 'smart for a day' ni Ivana, tinawagan pa nila ang isa pa raw smart sa kanilang pamilya, ang kanilang Ate Amira.

Natuwa muli ang netizens dahil kahit sa telepono lamang at nakasama ng Alawi family si Amira na nagbigay ng tips "how to be smart" kay Ivana.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

LJ Reyes, willing umanong pumunta sa Baguio "with someone as friends"

Sa isang interview sa kanya ni Ogie Diaz, muli na namang napatunayan ni Ivana ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Aniya, handa umano siyang ubusin ang lahat ng kanyang pera masiguro lamang ang paggaling ng kanyang bunsong kapatid na si Mona Alawi na pinahihirapan umano ng sakit nitong type one diabetes.

Nabanggit din niya sa naturang interview na papayag siyang maging housemate ni "Kuya" kahit naranasan niyang hindi matanggap nang siya ay nagtiyagang mag-auditon sa Pinoy Big Brother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel