LJ Reyes, willing umanong pumunta sa Baguio "with someone as friends"

LJ Reyes, willing umanong pumunta sa Baguio "with someone as friends"

- Natawa na lamang si LJ Reyes sa tanong na ibinato sa kanya ni Boy Abunda sa isang panayam sa kanya

- Naitanong sa kanya kung willing daw siyang pumunta sa Baguio with someone as friends at sinakyan din ito ni LJ

- Aniya, si Paolo Avelino na dati niyang karelasyon na kaibigan din naman niya sa kasalukuyan ay taga-Baguio raw

- Matatandaang ang linyang ito ay sumikat mula sa inilabas na statement ni Paolo Contis kung saan sinabi niyang pumunta sila ni Yen Santos sa Baguio bilang magkaibigan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natuwa na makitang tila mas maayos na ang kalagayan ni LJ Reyes matapos ang kontrobersiyal nilang hiwalayan ni Paolo Contis na talaga namang lumikha ng ingay at naging laman ng mga balita nang ilang araw.

LJ Reyes, willing umanong pumunta sa Baguio "with someone as friends"
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Sa muling pagpapa-interview nito sa batikang talkshow host na si Boy Abunda, mas kalmado na itong nagbabahagi ng kanyang mga sagot.

Read also

Kris Aquino, binuking kay Bimby ang "da moves" ni Mel Senen Sarmiento

Sa huling bahagi ng video ay naitanong kay LJ kung willing daw siyang pumunta sa Baguio with someone as friends at sinakyan din ito ni LJ. Sa katunayan aniya ay taga-Baguio ang kanyang ex na ama ng kanyang anak na si Aki. At kaibigan niya rin umano si Paolo Avelino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyes sa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tangahaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng GMA StarStruck.

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Matapos ng kanilang paghihiwalay ni Paolo Contis, pumunta si LJ kasama ang dalawang mga anak na sina Aki at Summer sa America kung nasaan naroon ang pamilya ni LJ.

Naging usap-usapan ang aktres matapos niyang dumalo sa Fashion week kung saan marami ang humanga sa kanyang kagandahan. Kinagiliwan din ang workout video nila ng anak niyang si Summer.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel