Kris Aquino, binuking kay Bimby ang "da moves" ni Mel Sarmiento

Kris Aquino, binuking kay Bimby ang "da moves" ni Mel Sarmiento

- Hindi maitago ni Bimby ang kanyang kasiyahan para sa kanyang mommy na engaged na sa kanyang Tito Mel

- Sa kanyang interview sa dalawa, naitanong ni Bimby sa kanyang Tito Mel kung paano niya napa-"oo" ang kanyang mama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Bigla namang sumingit si Kris at sinabihan ang kanyang fiance na "Don't shock my son"

- Binuking ni Kris na bigla na lang daw siyang hinalikan ni Mel na ikinabigla niya lalo at alam niyang mahiyain ito

Isa sa mga tanong ni Bimby sa dating DILG secretary na si Mel Sarmiento ay kung paano niya napa-"oo" ang kanyang mama. Habang nag-uumpisa sa kanyang isasagot, biglang sumingit si Kris at pinaalalahanan ang kanyang fiance na huwag biglain ang anak niya.

Kris Aquino, binuking kay bimby ang "the moves" ni Mel Sarmiento
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images
"Don't shock my son," ani Kris.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kris Aquino at Mel Sarmiento, nagbigay ng nakakakilig na mensahe sa isa't-isa

Dahil dito ay tila naintriga si Bimby at tinanong ang ina kung bakit niya iyon nasabi. Binuking ni Kris na bigla na lang daw siyang hinalikan ni Mel na ikinabigla niya lalo at alam niyang mahiyain ito.

And then I asked him, for someone so shy paano mo nagawa yun?

Hirit naman ni Mel, buti naman at hindi siya nasampal.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Read also

Kris Aquino, nag-sorry sa dalawang anak ni Mel Senen Sarmiento

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailanlang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel