Carlo Paalam, dating nangangalakal bago maging Olympic medalist sa larangan ng boxing

Carlo Paalam, dating nangangalakal bago maging Olympic medalist sa larangan ng boxing

- Isang dating boksingero ang naging coach ni Carlo Paalam na una siyang nakita na nangangalakal

- Binigyan siya nito ng pag-asa nang ayain siya nitong mag-boksing para umano 'umasaneso'

- Bagaman at muntik nang bumitaw sa pangarap dahil sa pansamantalang naiwan ng coach, muli siya nitong nasagip

- Ngayon, sigurado na ang bronze medal para kay Carlo na malaki pa rin umano ang posibilidad na maiuwi ang susunod na gintong medalya para sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas lalong dumami ang namangha sa pambato ng Pilipinas sa flyweight division ng Tokyo 2020 Olympics na si Carlo Paalam nang malaman ang nakaka-inspire na kwento nito.

Nalaman ng KAMI na dating nangangalakal ng basura si Carlo nang makita siya ng kanyang coach na si Elmer Pamisa.

Carlo Paalam, dating nangangalakal bago maging boxing medalist sa Olympics
Photo: Carlo Paalam (@paalamcarlo)
Source: Instagram

Ayon sa Spin.ph, dating national boxer si Elmer na nakapansin kay Carlo sa Carmen, Cagayan De Oro.

Read also

Nesthy Petecio, gold medal sana ang nais ihandog sa kanyang coach na kapatid ni Onyok Velasco

"Nakita ko 'yan, nangangalakal, namumulot ng basura sa amin, binebenta. Sabi ko, 'Magboksing ka na lang, baka dito ka pa aasenso."

Naging coach ni Carlo si Elmer na tumutok sa kanya sa larangan ng boksing.

Subalit nang mangibang bansa si Elmer para sa isang boxing match, muntik na umanong matigil sa tinatahak na karera si Carlo.

"Pagbalik ko galing Armenia, nadatnan ko si Carlo tumigil sa pagboboksing, pinalayas s'ya sa team. Hinanap ko s'ya, nakita ko na naman, nandu'n sa basketbolan, naghahanap ng basura"

Sa ikalawang pagkakataon, nabigyan muli ng pag-asa si Carlo nang tuloy-tuloy na ang pagsasanay nila ni Coach Elmer.

At ngayong Agosto 3, naging makasaysayan din ang pagkapanalo ni Carlo nang matalo niya ang Olympic champion na si Shakhobidin Zoirov base sa ulat ng Inquirer.

Dahil sa pagkapanalo niyang ito, siguradong bronze medal na ang makakamit niya subalit marami ang naniniwalang kaya niyang maiuwi ang susunod na gintong medalya para sa Pilipinas mula sa Olympics.

Read also

Reply ng delivery rider sa kanyang nag-aalalang ina, umantig sa puso ng netizens

Ayon sa CNN, sunod na makakatunggali ni Carlo si Ryomei Tanaka na pambato ng Japan sa Agosto 5.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Carlo Paalam ay isang Filipino Amateur boxer. Base sa tala nitong Abril 2021, ika-12 sa flyweight division ng Amateur International Boxing Association rankings. Siya ang pambato ng bansa sa Tokyo 2020 Olympics kung saan may sigurado na siyang bronze medal sa ngayon.

Subalit, marami ang umaasa at naniniwalang maaring maiuwi ni Carlo ang isa pang gintong medalya para sa Pilipinas na nakamit kamakailan ni Hidilyn Diaz sa weightlifting.

Samantala, nasungkit naman ni Nesthy Petecio ang silver medal sa women's boxing kung saan nakalaban niya ang Japan sa finals.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica