Customer, naantig sa isang Grab delivery rider na naghahanap-buhay parin kahit may-edad na

Customer, naantig sa isang Grab delivery rider na naghahanap-buhay parin kahit may-edad na

- Isang customer ang nagbahagi ng kwento nang mag-order siya ng pagkain sa pamamagitan ng Grab food delivery

- Nang makarating sa kanila ang kanyang order ay humingi ng dispensa ang rider dahil sumemplang siya habang nasa biyahe

- Lalo siyang naantig nang mapagtantong may edad na pala ang naturang rider na nagsabing ibawas na lamang ang natapos sa pambayad

- Malaking aral umano ang kanyang napagtanto sa nangyari na sa edad ng rider ay naghahanap-buhay ito ng patas para sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naantig sa ibinahaging kwento ng Facebook user na si Ryan Angelo Bolilan Marinda. Naikwento niya ang tungkol sa kanyang pag-order ng pagkain sa pamamagitan ng Grab food delivery.

Customer, naantig sa isang Grab delivery rider na naghahanap-buhay parin kahit may-edad na
Ryan Angelo Bolilan Miranda
Source: Facebook

Nang makarating sa kanila ang kanyang order ay humingi ng dispensa ang rider dahil sumemplang siya habang nasa biyahe. Lalo siyang naantig nang mapagtantong may edad na pala ang naturang rider na nagsabing ibawas na lamang ang natapos sa pambayad. Malaking aral umano ang kanyang napagtanto sa nangyari na sa edad ng rider ay naghahanap-buhay ito ng patas para sa kanyang pamilya.

Read also

Balut vendor na matiyagang pumasok sa kolehiyo, licensed engineer na ngayon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isipin nyo yon, despite of his age nagagawa pa din nyang maghanap buhay para sa pamilya nya, mag grind ng patas, suungin ang ibat-ibang panahon para lang makapag deliver ng cravings natin.
Pera at oras lang yung nasayang sa araw ko na ito. Pero malaking bagay yung natutunan ko mula sa delivery na ito. Sobrang malaking lesson ito para sa akin at sana sa inyo din.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman. Kaya naman mas mabilis kumalat ang balita.

Isa sa nag-viral na kwento kamakailan ay ang tungkol sa magkasintahang nabiktima ng pang-iiscam ng isang wedding coordinator.

Walang nagawa ang bride kundi ang maiyak na lamang nang datnan ang reception na walang pagkain at walang reservation.

Read also

Raffy Tulfo, pagtulong pa rin sa mahihirap ang dahilan ng pagtakbo sa senado

Matapos kumalat ang balita tungkol sa sinapit ng mag-asawa, nakarating ito sa aktres na si Neri Miranda at sinagot niya na ang reception.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel