Toni Fowler, usap-usapan dahil sa picture niya kung saan hawak niya ang kanyang tiyan

Toni Fowler, usap-usapan dahil sa picture niya kung saan hawak niya ang kanyang tiyan

- Matapos umani ng mga negatibong komento kaugnay sa kanyang pagtulong sa kanyang ex na si Rob Moya sa sorpresa nito, isang pasabog ang ibinahagi ni Toni Fowler

- Ibinahagi niya ang kanyang picture kung saan makikitang medyo lumaki ang kanyang tiyan at hawak-hawak niya ito

- Wala siyang diretsahang pahayag o pag-amin ngunit aniya ay basta masaya siya

- Bilang isang content creator, marami sa mga netizens ang napaisip kung totoong buntis ba ito o isa lamang prank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ginulat ni Toni Fowler ang mga followers niya sa kanyang ibinahaging picture kung saan makikitang medyo lumobo ang kanyang tiyan. Hawak niya rin ang tiyan kagaya ng mga pangkaraniwang ginagawa ng mga babaeng nagdadalantao.

Toni Fowler, usap-usapan dahil sa picture niya kung saan hawak niya ang kanyang tiyan
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Walang diretsahang pahayag si Toni kung buntis ba siya ngunit aniya, basta siya ay masaya. Ikinagulat ito ng mga netizens dahil bago ang post na ito ay hindi naman nakitaang lumaki siya sa mga nauna niyang mga pictures.

Read also

Madam Inutz, dumami daw ang kamag-anak niya nang sumikat na

Bilang isang content creator, marami sa mga netizens ang napaisip kung totoong buntis ba ito o isa lamang prank. Gayunpaman, para sa kanyang mga tagahanga masaya silang masaya ang kanilang idolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuiber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend.

Read also

TikToker na kilala bilang si UwU Girl, pumanaw sa edad na 25

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel